^

Pang Movies

Umaasang makikinabang pag kumita Gabby atat na sa movie nila ni Mega

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Binabanggit na naman ni Gabby Concepcion ang kanyang paggawa ng pelikula kasama ang megastar na si Sharon Cuneta. Inaasahan niyang wala namang magiging problema maliban na nga lang kung tumanggi si Sharon, dahil iisa naman ang kanilang managers ngayon. Hindi naman papalag ang kanyang TV network kahit na nasa ibang network na si Sharon dahil si Gabby talaga ang makikinabang nang husto kung magagawa ang pelikulang iyan.

Kung hindi kumita ang proyekto at makahilahan sila pababa, si Sharon ang kawawa roon dahil siya ang puputaktihin ng mga batikos eh siya ang mas malaking star at inaasahan nila na matatangay niya si Gabby. Eh papaano kung siya ang mahila pababa ni Gabby?

Kung kikita naman ang proyektong iyan, mababatak pataas si Gabby, at ang sasabihin ng mga tao normal lang naman iyon dahil Sharon-Gabby nga ang proyektong iyan. Kaya kung iisipin mo, nothing to gain si Sharon diyan.

Advantage nga siguro ni Gabby kung magagawa agad iyan, kasi mas maibu-boost ang kanyang career agad. Habang tumatagal iyan, baka wala na ring epekto sa career niya kung sakali man at hindi na rin siya umangat.

Pero habang buhay pa ang pag-asa ng mga fans na magkakatambal nga sila ni Sharon, at umaasa ang mga iyon, tiyak na susuportahin pa rin naman siya.

Actually noong nakaraang taon ay nagkaroon na ng time si Sharon, kaso siya naman ang hindi puwede dahil nanganak na naman ang asawa niya at kailangang nandoon siya. Noong magbalik siya busy na ulit si Sharon.

‘Magsyotang’ singer magpapakasal sa Canada

Wala naman daw nagbabalak na magpa-sex change doon sa magsyotang singer at gay matinee idol, pero totoong may plano silang magpunta sa Canada. Kasi nga may same sex marriage sa Canada. Alam nila bale wala naman iyon pagbabalik nila sa Pilipinas, pero at least nga masasabi nilang may basehan na sila kung magtawagan man sila na “iyong asawa ko.”

vuukle comment

ALAM

BINABANGGIT

GABBY

GABBY CONCEPCION

HABANG

KUNG

NAMAN

SHARON

SHARON CUNETA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with