^

Pang Movies

Marian mangangabog sa cover ng men’s mag

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mangangabog na naman si Marian Rivera this week dahil siya ang cover ng 150th issue ng FHM. Pang-special ang beauty ng Primetime Queen ng GMA7 dahil nga natagalan din ang staff ng mag upang makumbinsi ang aktres na maging cover ng mag!

Eh ’di nga ba’t may isang year na si Marian ang tinanghal na No. 1 sexiest ng FHM? To think na wala pa siya maski isang cover ng magazine.

Naka-post sa Facebook account ng manager ni Yan-Yan na si Popoy Caritativo ang cover niya ng FHM. Si Mark Nicdao ang photography, si Pam Quiñones sa styling at si Krist Bansuelo naman ang namahala sa makeup.

Timing na timing ang sexy cover ni Marian sa FHM dahil umarya na ang malandi niyang character sa Temptation of Wife bilang si Chantal Gonzales!

Sarah L. biglang natameme

Wala pala sa kontrata ni Sarah Lahbati sa GMA 7 ang magkaroon ng leave of absence. Kaya naman hindi inaprubahan ng management ang request niyang magpahinga muna sa trabaho.

Muling pinandigan ng GMA na nilibag ni Sarah ang ilang provisions ng kontratang pinirmahan ni Sarah until 2015. Pati ang pagpirma niya sa Royal Era Management ay hindi sanctioned ng network.

Maging ang pahayag sa Twitter ni Sarah tungkol sa referral sa ICONS Management ay hindi sinang-ayunan ng GMA. Meron ng imbestigasyong isinasagawa ang network tungkol sa isyung ito.

Tama lang na manahimik muna si Sarah sa isyu dahil mas pinaiiral niya ang emosyon kesa rason!

Meg kinabahan nang patungan ni Wendell

Huhubaran na ang dating pa-tweetums at kontrabida na young star na si Meg Imperial. Nakumbinsi siya ng Viva Films na magbida sa adult drama na Menor de Edad mula sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Ayon kay Meg, konting skin lang ang ipinakita niya. Nakaramdam siya ng kaba lalo na sa eksenang pinatungan siya ni Wendell Ramos sa love scene nila.

 â€œKaba ’yung naramdaman ko nung eksenang ’yon dahil hindi ko alam ang kalalabasan. Hahaha!” bulalas ni Meg sa pocket interview niya para sa movie.

Hindi naman nanigas si Wendell habang nakapatong sa kanya?

 â€œHindi naman po. Hahaha! Pero sabi niya, kinabahan din daw po siya,” natatawang tugon niya.

Wala bang pumitlag sa parte ng katawan ni Wendell?

 â€œWala naman po. Hahaha! Smooth naman po ang shooting namin ng love scene,” katuwiran ng baguhan.

Sa pagkakaroon niya ng launching movie, ang ibig bang sabihin ay nata­lbugan na niya ang career nina Ritz Azul at Eula Caballero na nakasama niya sa TV5 shows?

“Siguro po nag-level up lang ako sa role na tinatanggap ko. Nag-mature lang po. Hindi ko po masasabi kung natalbugan ko na po sila. Pero nauna lang akong nagkaroon ng movie at ni-launch,” rason ni Meg.

Pagdating naman sa TV career, mukhang gaganda ang future ni Meg dahil ang balita ay babalik siya sa ABS-CBN na sinimulan niyang network bago napunta sa TV5.

vuukle comment

CHANTAL GONZALES

EULA CABALLERO

HAHAHA

JOEL LAMANGAN

NAMAN

NIYA

WALA

WENDELL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with