^

Pang Movies

Balitaan sa AKSYON mas pinahaba na

The Philippine Star

MANILA, Philippines - Apatnapu’t limang minuto na ang pagbabalita sa flagship newscast ng TV5 na AKSYON simula sa Lunes (Enero 7). Pagsapit ng ala-sais ng gabi, aarangkada na ang maiinit na balita kasama sina Erwin Tulfo at Cheryl Cosim.

Bukod sa mga balitang nakalap sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ihahatid din gabi-gabi ang mga istoryang mag-iiwan ng ngiti sa Happy News. Mula sa paglago ng ekonomiya hanggang sa mga kuwentong nagpapakita ng pagka-Pilipino, gabi-gabi nang babalandra upang maghatid ng magagandang balitang mag-aangat sa kamalayan ng mga Pilipino.

Nagbabalik din ang Bidyo Bandido upang magsiwalat ng kinakapos na serbisyong hinahangad ng publiko at pagmamalabis sa tungkulin ng ilan sa mga nasa katungkulan.

Tutukan ang AKSYON gabi-gabi, Lunes hanggang Biyernes, alas-sais ng gabi sa TV5. Sabayan din na mapapakinggan ang newscast sa Radyo Singko 92.3 News FM.

vuukle comment

APATNAPU

BIDYO BANDIDO

BIYERNES

BUKOD

CHERYL COSIM

ERWIN TULFO

GABI

HAPPY NEWS

PILIPINO

RADYO SINGKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with