^

Pang Movies

Vice Ganda todo deny sa regalong sports car sa basketbolistang BF na ayaw ni Kris

- Vinia Vivar - The Philippine Star

May feeling si Vice Ganda na feel daw talaga ni Kris Aquino ang guwapong hunk na special co-host nito sa Kris TV na si Daniel Matsunaga.

“Nakikita ko sa mata ni Kris. Oo, crush mo ’yan, na idine-deny niya. Hindi niya talaga inaamin. Eh lalo ko siyang binubuyo, lalo ko siyang binubuska. Kaya sabi niya, ‘Hoy, tapos na ’yung movie na ipa­labas. Itigil mo na ’yang running joke mo na ’yan.’ Sabi ko, eh di itigil-tigil mo na rin ’yang arte mo ’pag nandiyan si Daniel,” pagbubuking pa ni Vice Ganda.

Mabait daw si Daniel kay Kris at sinabi naman ng hunk na given the chance, bakit naman hindi niya magugustuhan ang isang Kris Aquino?

“Pero siguro natatakot siya sa laking pangalan nung Kris Aquino,” sabi ng komedyante. “’Di ba nakaka-intimidate naman talaga?”

Iinamin din niyang si Kris ay hindi boto sa kanyang boyfriend na basketball player.

 â€œAyaw niya. Basta, hindi niya like. Sinasabi niya talaga, ‘I don’t like him.’ Meron siyang like for me na hindi naman pupuwede.”

Anyway, natanong din sa Unkabogable Box-Office Star kung true ba na binigyan niya ng mamahaling sports car ang dyowa niya? Say niya, hindi naman totoo.

“Hindi naman sports car, owner-type jeep lang,” say niya na obviously, nagbibiro.

Hindi rin totoong binigyan niya ito ng Hummer pero totoong bumili siya nito pero para sa sarili niya at ito nga ang gamit niya ngayon.

But when asked kung ano ang sasakyan ng boyfriend niya ay hindi niya masabi.

“Basta simple lang. Tama lang sa edad niya,” natatawa niyang sagot.

“Uy, itigil na natin ang usapan sa sasakyan na ’yan. Nung 2012 pa ’yan, hindi na matapus-tapos ha?”

Sarah inuunti-unti ang paghiwalay sa magulang

Isa sa wishes ni Sarah Geronimo for this year ay ma­ging independent na nang unti-unti. Nagsimula na nga ito last year nang bumiyahe siya sa Brazil na hindi kasama ang magulang at first time siyang pina­yagan talaga na mag-travel mag-isa.

“’Yung trip po namin sa Brazil, sob­rang big step ’yun. Siyempre may mga takot, may takot din po sa mga magulang ko. Ako rin po, may takot din po. Siyempre, foreign country ’yun. Saka parang na­balitaan namin na medyo delikado ka­si wala pong visa run, ganyan-ganyan.

“Pero talagang... wala, nilakasan ko talaga ’yung loob ko dahil alam ko na kailangan ko. Ka­ilangan kong maramdaman na ako lang, kailangan kong matutunan na bumiyahe na kahit na hindi ako lang, kumbaga, wala lang ’yung mga magulang ko sa tabi ko,” sabi ni Sarah.

Ang kasama niya sa Brazil ay si KC Concepcion, choreographer na si Georcelle Dapat-Sy, at ang ASAP writer na si Garlic Garcia. That was the time na nanood sila ng concert ni Madonna.

Pero kahit nakaalis na ng mag-isa, siyempre may limitasyon ang pagiging independent niya. Hindi pa rin niya siyempre kakayanin sa ngayon na mamuhay ng solo na wala ang kanyang parents.

“Parang hindi ko pa po ma-imagine. Pero alam n’yo makakarating din naman po tayo run eh. Slowly at saka sa tamang panahon po,” sabi ni Sarah.

vuukle comment

DANIEL MATSUNAGA

GARLIC GARCIA

GEORCELLE DAPAT-SY

KRIS AQUINO

NAMAN

NIYA

PERO

SARAH GERONIMO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with