^

Pang Movies

GMA News and Public Affairs may Yearend Special

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa pagtatapos ng taon, babalikan ng GMA News and Public Affairs’ Yearend Special na Agaw-Eksena 2012 ang mga pangyayari  na tumatak sa mga manonood. Sa pangunguna ni Mike Enriquez kasama ng kanyang Imbestigador team, iisa-isahin ang mga pinakapinag-usapang isyu, tao, at pangyayari sa video na kinunan gamit ang iba’t ibang mga camera—digital camera, phone camera, hanggang sa CCTV.

Kabilang na rito ang shooting ng Hollywood film na Bourne Legacy, ang mala-teleseryeng drama ng Corona Impeachment Trial, ang girian ng Pilipinas at China para sa Scarborough Shoal, at ang away sa pagitan ng isang reporter at isang celebrity couple sa airport.

Sasariwain din ng Agaw-Eksena 2012 ang mga araw kung saan ang buong bansa ay nakiramay sa pagpanaw ng Comedy King na si Dolphy, ang aksidenteng bumawi sa buhay ni DILG Secretary Jesse Robredo, at ang trahedyang iniwan nina Habagat at Pablo.

Susundan din ng dalawang bahaging special  ang ilan sa mga kontrobersiyal na personalidad ng taon at aalamin kung paano nagbago ang kani-kanilang mga buhay matapos maisapubliko ang mga ito.

Ito ang yearend report na hindi dapat palampasin. Abangan  ngayong Dec. 23 at Dec. 30, Linggo, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA 7.

vuukle comment

AGAW-EKSENA

BOURNE LEGACY

COMEDY KING

CORONA IMPEACHMENT TRIAL

JESSICA SOHO

KAPUSO MO

MIKE ENRIQUEZ

NEWS AND PUBLIC AFFAIRS

SCARBOROUGH SHOAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with