^

Pang Movies

Indie films inilalako na lang sa trade festival sa ibang bansa!

ISYU AT BANAT - Ed Deleon - Pang-masa

Ayon sa bago na naman nilang press release, nag­karoon ng screening ang pelikula ni Nora Aunor sa isang film festival sa Dubai. Linawin natin ha? Nagkaroon lamang ng “screening” sa nasabing film festival. Ibig sabihin, hindi kasali sa filmfest na iyon. Hindi entry ang kanyang pelikula. Isa pa, hindi natin alam kung ang festival na iyon ay isang artistic o isang trade festival.

Karamihan kasi ng mga festival ay mga trade festival na ang gumagawa ng mga pelikulang Class B, ibig sabihin mga low-budget film, ay inilalako ang ka­nilang mga pelikula para sa mga ma­li­liit namang film distributors na nangangailangan ng ganyang klas­e ng pelikula o kaya ay para sa mga cable service provider.

Ano naman ’yung mga natatanggap daw nilang awards kung gano’n? Ang mga award na iyon ay hindi bahagi ng festival. Siguro may isang grupong natuwa, binigyan sila ng parangal pero hindi iyon award talaga na mula sa film festival. Pero siyempre alam na ninyo ang mga producer at director ng mga pelikulang indie at class B, malaking bagay na sa kanila iyon. Iyon lang naman kasi ang dahilan kaya sila gumagawa ng pelikula eh. Naghihintay sila ng panahon na mapansin sila at may isang producer na kumuha sa kanila para makagawa ng isang tunay na pelikula.

Dito nga sa atin minsan magugulat ka kung ma­lalaman mo kung sino na ang direktor o kaya ay ­dependent. Magtataka ka pa kung paano nila nagawa ang gano’n eh.

Hindi naman sa minamaliit namin ang indie films kaya lang dapat naman alam natin kung ano ang dapat kalagyan nila. Hindi naman dapat na ini­ha­hanay ang trabaho ng mga amateur sa mga professional.

Fans gustong paniwalaan si Mommy Dionisia

Bagama’t masasabing noong unang araw na siya ay patulugin sa lona ni Juan Manuel Marquez ay masasabing nakuha nga ni Rep. Manny Pacquiao ang simpatiya ng lahat, ngayon ay muk­hang nagbabago sa paglipas ng ilang araw lamang.

Una, lumalabas nga kasi ang issue na sa kanya na rin naman nagmula, naging napaka-open ng kanyang depensa. Matatapos na kasi noon ang Round 6 at ang akala niya ay pareho na lang silang nagpapatay ng oras. Umamin din si Pacman na naging masyado rin naman siyang confident. Hindi niya akalaing masasalihan pa siya.

Ikalawa, mukhang marami na yata ang naniniwala sa sinasabi ng nanay niya ay minalas siya simula nang magpalit ng relihiyon. Simula nga naman nang maging Born Again Christian si Pacman, nakakadalawang talo na siya at parehong masama ang pagkatalo niya. Nadaya sa puntos sa una at tulog naman siya sa ikalawa.

Maapektuhan nga kaya nang tuluyan ang kanyang popularidad, lalo na basta nagsimula na rin siyang maging isang pastor? Bantayan natin ang ratings niya.

Aktres na may image na mahinhin at mula kuno sa madatung na pamilya, lumalakad na kasama ang bugaw

Umalis kasama ng isa niyang kaibigan ang isang aktres na ang image ay mahinhin at mula sa isang “madatung na pamilya”. Ang kasama niyang “kaibigan” ay isang kilalang showbiz pimp at walang dudang ang lakad nila ay “dyokad.”

Iyan na nga ba ang sinasabi namin eh.

BORN AGAIN CHRISTIAN

CLASS B

FESTIVAL

ISANG

JUAN MANUEL MARQUEZ

NAMAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with