Handang-handa na ang parada
Handang-handa na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa Parade of Stars bukas, Dec. 21, Saturday kaugnay ng 50th Metro Manila Film Festival.
Lilibutin ng parada ang Maynila na major sponsor ngayon ng MMFF kaya naman ang MMDA eh inaabisuhang iwasan ang lugar na dadaanan ng sampung floats ng pelikulang kasali sa MMFF.
Magsisimula ang Parada ng Bituin sa Kartilya ng Katipunan sa Maynila na malapit sa City Hall. Magtatapos ito sa Central Post Office kung saan may itinayong malaking stage para sa inimbitahang performers at stars ng pelikulang kalahok.
Isa sa performers ay ang rock artist na si Bamboo at iba pa.
Gaganapin naman ang Gabi ng Parangal sa Dec. 27 sa Solaire South at grandiyoso ang stage at production design!
Tangkilikin ang pelikulang Pinoy!
Nakikiramay kami sa naiwan ng veteran at kapwa columnist dito sa Pang Masa /Pilipino Star NGAYON na si Ed de Leon.
- Latest