^

Pang Movies

Matteo wala nang natirang pagmamahal kay Maja

- Vinia Vivar - Pang-masa

Nagulat din kami sa sagot ni Matteo Guidecelli nang tanungin siya ni Toni Gonzaga sa The Buzz kung mahal pa niya ang ex-girlfriend na si Maja Salvador.

Before the question ay ipinauna muna ni Toni na hindi galing sa kanya ang tanong kundi sa mga manonood.

Agad-agad na “hindi na” ang sagot ni Matteo na ikinagulat at ikinalungkot ni Toni.

“Ay, hindi nga?” bulalas niyang follow-up kay Matteo.

Say ni Toni, na-witness daw niya kasi noon sa Happy Yipee Yehey kung saan magkasama sila ni Matteo kung gaano kamahal ng aktor si Maja.

“Pag nag-aaway kayo, gumagawa ka pa ng effort na (mala) Amnesia Girl na mga ano,” pagpapaala ni Toni kay Matteo at natatawa naman ang aktor.

Paliwanag ni Matteo, “hindi, Tons, Maja and I would be very happy that we are still talking, we are good friends now, that’s the most important thing kasi I don’t believe in ruining relationships. I don’t believe in throwing out memories. I don’t think that’s right.

“You know whatever happened to us before would always be in my heart and I learned so much from her. And masaya lang ako ngayon dahil magkaibigan kami and I’m happy for all her success right now.”

Hiningan din ng reaksiyon si Matteo sa pagkaka-link ngayon nina Maja at Piolo at aniya ay wala naman daw problema sa kanya dahil mabait na tao ang aktor at ganun din naman ang ex-gf.

Nang mapag-usapan ang leading lady niya sa Precious Hearts Romances Presents Paraiso na si Jessy Mendiola, panay ang kantyaw ni Toni sa mga sagot ni Matteo.

Natanong kasi kung may balak ba siyang ligawan si Jessy at say ng aktor, “we’ll never know, anything can happen’ kaya naman tinutukso siya ni Toni.

Nang tanungin ng TV host kung ano ba ang status ng love life niya ngayon, say ni Matteo ay very much inspired pero wala naman daw someone in particular.

Say ni Toni, baka bukas ay meron na at sagot ni Matteo, “sana.”

KIM MAKABATA STAR!

Tuwang-tuwa ang lead star ng top-rating family drama series ng ABS-CBN na Ina, Kapatid, Anak na si Kim Chiu sa parangal na ibinigay sa kanya kamakailan ng prestiyosong Anak TV Seal Awards bilang isa sa mga Makabata Star nito para sa taong 2012.

At kung sa tunay na buhay ay pawang magagandang bagay ang nagaganap sa buhay ni Kim, taliwas naman dito ang pinagdaraanan ng kanyang karakter sa Ina, Kapatid, Anak na si Celyn.

Bukod sa labis na paghihigpit na ginagawa ng kanyang inang si Teresa (Cherry Pie Picache), tuluyan nang naiipit si Celyn na gawa-gawang relasyon nila ni Ethan (Enchong Dee) kaya abangan ang mga mangyayari.

KRIS SUPORTADO SI DINGDONG

Kung last year ay magkasama sa MMFF movie sina Dingdong Dantes at Kris Aquino via Segunda Mano, ngayong taong ito ay magkalaban naman sila pero pareho namang under Star Cinema Productions.

Entry ni Dingdong ang One More Try with Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, and Angel Locsin while si Kris naman ay sa Sisterakas kasama sina Vice Ganda at Ai-ai delas Alas.

Ayon kay Kris ay itinext daw niya si Dingdong at proud siya sa aktor para sa One More Try.

“I texted him. I told Dong, sabi ko sa kanya, nakaka-proud, kasi this time, it’s a full dramatic vehicle,” say ni Kris.

Magkaiba naman daw ang genre ng movie nila kaya say pa ni Kris, “it’s easy to wish them well.”

     

AMNESIA GIRL

ANAK

ANGEL LOCSIN

ANGELICA PANGANIBAN

MATTEO

NAMAN

ONE MORE TRY

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with