Mga pulitiko nawawala sa eksena: mga biktima ng Pablo sa Compostela Valley walang makain
Heartwarming ang napanood namin sa GMA News TV kahapon na mga kababayan natin sa Compostela Valley na naapektuhan ng bagyong Pablo na nakahilera sa highway na namamalimos sa mga dumaraan. Maraming huminto para magbigay ng pera na ayon sa report, ang maiipon nila ay ibibili ng pagkain. May isang truck din na puno ng saging na dadalhin dapat sa Manila pero nag-decide ang may-ari na ibigay na lamang sa mga tao, dahil Tuesday evening pa raw wala silang kinakain. Pero iba talaga ang Pinoy, kahit nasalanta, nakangiti sila habang kumakain ng saging.
Nasaan kaya ang mga pulitikong dapat ay tumulong sa kanila? Nakalimutan ba nilang malapit na ang eleksiyon?
Paddle Pop pasisikatin ng Kapuso
In a lighter news. Nag-enjoy ang mga entertainment press na dumalo sa launch ng first Kapuso cartoon bida, si Paddle Pop Elemangika cartoon series na maagang pamasko sa mga kids na mapapanood na tuwing Sabado at Linggo, simula sa December 8, 8am, sa GMA 7. Kapuso media team ang gumawa nito, at partner nila ang heart brand na Selecta ice cream. Nag-originate ang cartoon character sa Indonesia at ngayon ay napapanood na rin ito sa iba’t ibang bansa na ang iba ay umabot na ng kung ilang seasons, at ngayon ay nasa Pilipinas na. Malaki na ito, bukod sa TV series, may movie na rin ito at mga gift items for the kids. In fact, dumalo ang mascot na si Paddle Pop at sumayaw pa ng Gang Nam Style.
Si Paddle Pop ay ang future king ng Lion Kingdom, matapang, mabait, at matalino na kailangang pangalagaaan ang kanyang kaharian laban sa masamang si Shadow Master. Gagamitin ni Shadow Master ang mga powerful element lords na sina Fire Lord, Earth Lord, at Water Lord. Kaya bang talunin ni Paddle Pop at ng mga kaibigan niyang sina Liona, Rhinero, Falcona, at Jaguar si Shadow Master at ang mga Element Lords?
Sa presscon, natanong namin kung hindi ba nila naisip na kumuha ng isang kilalang artista para maging voice ni Paddle Pop? Naisip daw nila pero mas gusto nilang ang pag-usapan ng mga manonood ay si Paddle Pop at hindi ang artistang kinuha nila.
Creative writer ng isang network, nakinig sa meeting ng mga taga-ibang network
Pinag-usapan sa isang presscon ang pagdalo ng isang kilalang creative writer ng isang network sa isang story conference ng kalabang network noong isang gabi. Hindi raw kasi siya nakatanggi sa nag-imbita sa kanya kaya siya dumalo. Noong una raw ay okey lamang sa mga writers ng kalabang network ang presence niya pero nang magsimula na raw ang story conference nila na ikukuwento na ang concept at story ng teleserye, ini-expect daw nilang aalis na ito, pero hindi raw ito umalis.
- Latest