^

Pang Movies

Raymart at Claudine nanalo sa unang round, Tulfo brothers pinakakasuhan!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Good news muna tayo. Congratulations kina Dingdong Dantes at Marian Rivera! Ang magka-love team on and off the screen ang winners sa online voting ng kanilang mga tagahanga para sa Meg Magazine. Nanalo silang Hottest Couple at si Ma­rian ang winner ng Top Cover Star and Best Red Lips. Thankful ang dalawa sa kanilang fans na hindi rin nakalilimot panoorin ang kanilang mga primetime shows sa GMA 7, ang nag-pilot kagabi na Pahiram ng Sandali ni Dingdong at ang Temptation of Wife ni Marian.

 Nanalo naman sa kaso ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto laban sa Tulfo Brothers (Raffy, Ben, and Erwin). But for sure, hindi papayag ang mga Tulfo na hindi mag-appeal sa kanilang kaso.

Sa kabilang banda, malungkot ang balitang yumao na before 3:00 a.m. kahapon ang premyadong direktor na si Celso Ad Castillo. Sa text ni Mell Navarro, dead-on-arrival na si Direk Celso sa Pakil Hospital sa Laguna due to heart attack. Repor­tedly, three years na ring nakikibaka sa lung cancer si Direk Celso. Ayon pa kay Mell, yumao si Direk Celso na hindi natupad ang matagal nang dream nito na maidirek si Nora Aunor. Ang remains ng direktor ay mananatili sa kanilang bayan sa Siniloan, Laguna. Our condolences and prayers.

Lovi nag-deny sa paglayas sa Kapuso

Humarap sa ilang entertainment press sina Lovi Poe at Rocco Nacino, at biro sa kanila, mukhang tinototoo na nila ang role nila sa Yesterday’s Bride. Sa story kasi ng afternoon prime, so in love sila at kahit hindi natuloy ang kanilang kasal at nagkahiwalay sila, hindi nawala ang love nila sa isa’t isa. 

Natawa sila nang sabihang ang lagkit ng titigan nilang dalawa. Naging close na raw sila talaga simula pa nang magkasama sila noon sa Pa­lawan sa taping ng Mistaken Identity. At simula noon tuwing magkikita sila, wala na silang ilangan. 

Natanong din si Lovi kung totoo na lilipat na siya sa TV5 at may gagawin na silang bagong soap ni Ara Mina na ngayon ay gumaganap na nanay ni Rocco sa Yesterday’s Bride. Nag-deny si Lovi at hindi rin nila sinagot ng manager niyang si Leo Do­mingo ang isa pang tanong na may gagawin pa siyang isang primetime show sa GMA with Dennis Trillo kahit pa sinasabing matatapos na ang contract niya sa network.

Pagdating sa love life, ngiti lamang ang sagot nina Lovi at Rocco. Wala pa ring sagot si Rocco kung totoong cool-off na sila ni Sheena Halili kahit pa sinasabi niyang best of friends lamang sila. Sa tanong kung hindi ba nagseselos si Jake Cuenca dahil lagi silang magkasama ni Rocco sa events at personal na lakad, walang sagot si Lovi kundi very busy siya ngayon dahil bukod sa afternoon soap ay kasama rin siya sa isang episode ng Shake, Rattle & Roll 14 with Vhong Navarro under the direction of Chito Roño. Ito ang sole entry ng Regal Entertainment, Inc. sa coming Metro Manila Film Festival sa Dec. 25.

vuukle comment

ARA MINA

CELSO AD CASTILLO

CHITO RO

CLAUDINE BARRETTO

DIREK CELSO

LOVI

ROCCO

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with