^

Pang Movies

Ima Castro masaya para sa dini-discover pang Pinoy talents sa Miss Saigon

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Dinumog ang auditions para sa Miss Saigon nung isang linggo sa Makati City at marami na ang humi­ngi ng advice kay Ima Castro nang makita siya ng mga gustong sumubok sa sikat na musical.

Proud si Ima na nandito na naman ang Miss Saigon production na naniniwala sa mga Pinoy talent. Masaya ang dating lead star noon sa West End, London at Manila musical na meron na namang madi-discover hindi lamang para sa role na Kim, kundi para sa iba pang character na hinahanap ng grupo ni Cameron Macintosh tulad ng bar girls o dancers.

“Be yourself. Don’t put too much makeup. Hindi kailangan ’yun. Dahil ang impression ng voice at cla­rity ng pagkanta ang mostly na hinahanap,” ilan sa tips ni Ima.

Dahil sa pagtuturo at pagmo-motivate ng production kung paano pa mailalabas ang galing sa acting, dancing, at singing, panalo na.

“Talagang great experience,” sabi ni Ima.

Naalala niya na noong 1999 na 20 years old lang siya ay isa siya sa mga nagtiyaga at pumila sa audition. Nang mapili ay pinapunta na ng London para mag-training. Nag-perform siyang Kim hanggang sa Hong Kong, Portugal, United Kingdom, at Ireland.

Napangasawa niya ang four years niyang ka-partner sa Miss Saigon na gumanap sa role na bilang Chris na si David Shannon na isang Irish/British. Two years silang naging mag-asawa pero sayang nga lang dahil nagkaroon siya miscarriage at hindi na nasundan ang pagbubuntis. Ngayon ay five years nang divorced ang singer at wala na silang communication ng kanyang dating asawa. Ni hindi nga raw sila friends, hindi dahil sa bitter siya kundi naniniwala lang siyang wala na silang dapat pag-usapan pa.

Isang taon nang nandito sa ’Pinas si Ima at napapanood sa mga casino show ng PAGCOR.

 

CAMERON MACINTOSH

DAHIL

DAVID SHANNON

HONG KONG

IMA

IMA CASTRO

MAKATI CITY

MISS SAIGON

UNITED KINGDOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with