Kris nawala ang lagnat sa laplapan nila ni Aljur!
Ibinuko ni Direk Ricky Davao ang mga bida niya sa Pinoy adaptation ng Korean romcom series na Coffee Prince na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa last taping day nila last Monday sa Ninoy Aquino International Airport Terminal III na nag-kiss sa gitna ng airport four to five times ang dalawa. Iyon daw kasi ang eksenang aalis for Singapore si Andy (Kris) to study culinary arts at inihatid ni Arthur (Aljur) ang girlfriend na napatunayan niyang isa palang babae.
Ayon pa rin kay Direk Ricky, nilalagnat si Kris nang dumating sa set pero himalang nawala ang fever nito after nang paulit-ulit na take ng kissing scene.
Ipinagtanggol naman ni Kris ang sarili na hindi na naman bago sa kanya ang kissing scene, iyon nga lamang after two years ay ngayon lamang sila muling nagtambal ni Aljur at muling nag-kiss sa screen.
Inamin din ng leading lady na although mas comfortable siyang katrabaho ngayon si Aljur, hindi maalis na may intriga pa rin sa kanila lalo na pagdating sa love life. Kaya kung minsan, kahit sabi ni Aljur ay huwag intindihin ang intriga.
Masaya si Aljur nang makausap namin dahil kahit daw last taping day na nila, feeling niya ay may magandang mangyayari sa kanila. Pero mami-miss daw niyang lahat ang buong cast dahil kung kailan para na silang isang buong family, saka naman last episode na nila sa Friday. Wala nang chance na ma-extend pa sila dahil hanggang six weeks lamang talaga ang contract nila sa Korean TV producer tulad din nang ipalabas ito sa ibang countries na ipinalabas din for six weeks lang.
Piolo umiwas sa intriga kaya pumayag kina Xyriel at Zaijian
Opening day na today ng 24/7 In Love, a Star Magic 20th anniversary presentation na magtatampok sa may 15 of their biggest stars in one movie with seven episodes and directors.
Kung tutuusin, ang movie ay puwede nilang isinali sa coming Metro Manila Film Festival at puwede rin sa Valentine’s Day dahil magtatampok ito ng ilang love teams tulad ng real love partners na sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, Bea Alonzo, at Zanjoe Marudo, former lovers Kim Chiu and Gerald Anderson, na ngayon lamang muli nagtambal after two years, Diether Ocampo at Maja Salvador, Sam Milby at Pokwang, at ang young love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
At para walang intriga, mas ginusto ni Piolo Pascual na may love triangle sila ng child stars na sina Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat. Ang mga director naman na nag-handle ng mga episode ay sina Mae Cruz, Dado Lumibao, John-D Lazatin, at Franco Mortiz.
- Latest