^

Pang Movies

Kaya pala nakipag-break ANGELICA napagod sa pagtitiis kay DEREK

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Problematic pa si Derek Ramsay dahil sa kanyang missing doggie at mukhang madaragdagan ang problema niya dahil sa mga tweet ni Angelica Panganiban.

Sabi ni Angelica “Napagod na siya sa pagtitiis” kaya nakipaghiwalay siya kay Derek.

Ang ibig sabihin, patung-patong ang naging problema sa relasyon nila ni Derek na bumilang din ng maraming taon.

Siguradong sasagutin ni Derek ang mga sinabi ni Angelica dahil hindi ito nawawalan ng sagot sa mga isyu na kanyang kinasasangkutan.

GRACE POE TINAWANAN ANG TSISMIS NA SI MARCOS ANG KANYANG AMA, NAGKUWENTO RIN KUNG PAANO MAGING AMPON

Wala si Manang Inday ( Susan Roces ) sa presscon ng kanyang anak na si Grace Poe-Llamanzares noong Lunes sa Imperial Palace Suites.

Knowing Manang Inday, sinadya niya na huwag umapir sa presscon ni  Mama Grace para hindi siya makaagaw ng eksena.

Nag-enjoy ang entertainment press sa pakikipagkuwentuhan kay Mama Grace dahil napakatalino at malakas ang kanyang sense of humor. Pinagtawanan ni Mama Grace ang lumang tsismis na si ex-President Ferdinand Marcos ang kanyang tunay na ama.  Ikinuwento rin niya ang mga karanasan bilang adopted daughter.

Kakandidatong senador si Mama Grace sa 2013 elections at ngayon pa lang, kasama na siya sa listahan ng mga iboboto ko dahil ang mga katulad niya ang may karapatan na maluklok sa puwesto.

DABARKADS, TUTULAK NA PA-LONDON

Goodbye Philippines ngayong gabi ang mga host at Dabarkads ng Eat Bu­laga dahil pupunta sila sa London para sa kanilang show sa Filipino community.

Ang London show ang dahilan kaya nagkaroon ng presscon kagabi ang bagong pelikula nina Wally Bayola at Jose Manalo, ang D’ Kilabots, D ‘Pogi Brothers.

Sa November 28 ang playdate ng D ‘Kilabots at halos isang linggo na mawawala sina Wally at Jose. Habang wala sila, tumatakbo naman ang mga publicity para sa kanilang coming soon movie.

Co-stars nina Jose at Wally sa D’ Kilabots sina Solenn Heussaff at Pokwang. Special guests sa pelikula sina Roderick Paulate, Maricel Soriano, Vic Sotto at Joey de Leon.

KATAWAN NI PIA PARANG HINDI NANGANAK ANG HITSURA

Parang hindi nanganak si Pia Guanio. Seksing-seksi na uli si Pia nang mapanood ko siya kahapon sa Eat Bulaga.

Bumalik agad ang dating korte ng katawan ni Pia dahil hindi naman siya tabain. Kabilang si Pia sa mga babae na nabiyayaan ng magandang katawan.

MAX COLLINs IPINALIT KAY KYLIE!

Si Max Collins ang ipinalit sa role na tinanggihan ni Kylie Padilla. Si Max ang magiging love interest ni Dingdong Dantes sa Pahiram Ng Sandali.

Ang bagong primetime show ng GMA 7 ang biggest te­levision break ni Max kaya nag-promise ito na gagali­ngan niya ang pag-arte para hindi masayang ang tiwala na ibi­nigay ng Kapuso Network.  Makakasama ni Max sa Pa­hi­ram Ng Sandali ang mga mahuhusay na artista, sina Lor­na Tolentino, Sandy Andolong at Christopher de Leon.

Hindi matatagalan ang paghihintay sa Pahiram Ng Sandali dahil ipapalabas ito sa TV bago matapos ang November.


 

vuukle comment

ANG LONDON

ANGELICA PANGANIBAN

DAHIL

DEREK

KILABOTS

MAMA GRACE

PAHIRAM NG SANDALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with