^

Pang Movies

Dahil kilalang exhibitionist Luis mahilig magpa-aninag ng dalawang itlog!

Jun Nardo - Pang-masa

Exhibitionist talaga itong si Luis Manzano. Kitang-kita ’yon sa suot niyang PE shorts na ginamit niyang costume sa isang Haloween Party kung saan bakat na bakat ang dalawa niyang itlog!

Mabuti na lang at pantay ang kanyang mga itlog at hindi lamang ang isa sa isa, huh! Hahaha!

 Kasama ni Luis sa picture ang girlfriend niyang si Jennylyn Mercado na yaya naman ang suot na costume. Natuloy rin pala ang dalawa papuntang Dubai dahil nakasabay namin sila sa business class ng eroplanong sinakyan nila patungo roon.

Lian Paz nagsampa na ng petisyon para sa suporta ng dalawang anak kay Paolo Contis

Balitang nagsampa raw ng petition for support si Lian Paz laban sa kanyang asawang si Paolo Contis. ’Yun nga lang, wala na raw si Paolo sa bahay na tinitirhan kaya naman hindi alam kung saan ipadadala ng summons sa kanya.

Mula sa pagiging kawalan ng detalye ng hiwalayan, nagbigay ng ilang dahilan si Lian tungkol sa hinaing sa asawa sa interview niya sa HOT TV. Ngayong araw na ito, side naman ni Paolo ang ibubunyag niya sa episode ng Startalk.

Kesa magbatuhan ng kanya-kanyang dumi, mas mabuting ayusin na lang nina Paolo at Lian ang kanilang gusot alang-alang sa dalawa nilang anak.

Boobay takot masapawan sina Richard at Marian

 Atubili ang komedyanteng si Boobay na tumodo sa pagpapatawa sa Extra Challenge. Ayaw niya kasing maakusahang ina­agawan ng eksena ang main hosts na sina Richard Gutier­rez at Marian Rivera.

Kaya naman pigil pa ang komedyante kapag moments na niya sa show. Pero pinayuhan siya ng mga kaibigan na ilabas lang ang tunay niyang husay sa pagpapatawa. ’Yun naman ang dahilan kung bakit pinili siyang maging bahagi ng reality show ’di ba?

Sa regular nights kasi ni Boobay sa Zirkoh at Klownz Comedy Bar, pawang havey ang pinakakawalang punchli­nes ng komedyante kaya naman isa siya sa stand-up comics na kinagigiliwan ng custo­mers.

Gov. Vilma nakasingit ng limang araw na bakasyon sa ibang bansa

Nag-leave ng limang araw si Governor Vilma Santos-Recto sa Batangas dahil sinamantala niya ang pahinga ng asawang si Sen. Ralph Recto sa Senado at bakasyon ng anak na si Ryan Christian.

Birthday kasi ngayon ng love na­ming si Ate Vi at kahit out of the country kasama ang pamilya at ilang kaibigan, nag-text back siya sa amin.

“Hi Jun! Thanksssss! I am on leave for 5 days. Out of the country with the fa­mily. Took advantage na recess si Ralph sa Senate at sembreak ni Ryan sa school. Ako naman, unwind din for my bday!! Lucky, galing Dubai. Dito muna ako bday sa vacation at bday celebration ko for my bigger family in Batangas sa Nov. 5, Monday. Salamat, Jun! Love u always. Thanks for remembering!!” tsika sa amin ng actress-politician.

 

vuukle comment

ATE VI

BATANGAS

BOOBAY

DUBAI

EXTRA CHALLENGE

GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO

HALOWEEN PARTY

HI JUN

LIAN PAZ

PAOLO CONTIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with