^

Punto Mo

EDITORYAL - Dagdag pasahe, dagdag pahirap

Pang-masa

NOONG Lunes, nagtaas ng pamasahe sa jeep­ney, bus, TNVS, P2P at iba pang public transport. Sa traditional jeepney, P14 na ang minimum fare, habang sa modern jeepney ay P17.

Ang pagtataas na ito ay masakit sa commuters. Dagdag pahirap ito lalo na sa mga kakarampot ang suweldo. Sabi ng mga driver at operator, kulang pa raw ang fare increase o hindi sapat. Sabi ng mga jeepney driver, wala na raw silang naiuuwing kita para sa pamilya dahil napupunta lang sa diesel.

Patuloy ang pagtaas ng presyo ng langis at ope­ration costs. Ayon sa ilang bus groups, umaabot sa 45 hanggang 60 porsiyento ng kanilang gastos ang fuel.

Kaya kahit may fare hike, may transport groups pa ring nagsasabing kulang ito at itinuloy pa rin ang kanilang strike. Kahapon, ilang grupo ng trans­port groups ang nagsagawa ng tigil-pasada. Mara­ming pasahero ang naapektuhan sa isinagawang transport strike.

Kapag tumaas ang diesel, humihingi ng dagdag-pasahe ang driver para hindi malugi.

Kapag inaprubahan naman ang fare hike, commuters ang kailangang maglabas ng dagdag na pera.

Parehong naghahanapbuhay, parehong may bina­bayarang pagkain, kuryente at iba pang pang-araw-araw na gastusin.

Sinabi ng Malacañang na sinusubukang balansehin ng fare adjustment ang pangangailangan ng transport workers at kakayahan ng commuters na magbayad. Patuloy din umano ang fuel subsidy at iba pang ayuda.

Pero hanggang kailan mapapaikut-ikot at magpapaulit-ulit sa ganitong problema?

Tataas ang langis, magbibigay ng subsidy, hihi­ngi ng fare hike, tataas ang pamasahe, at pagkatapos ay maghihintay na naman sa susunod na oil price shock.

Matatawag lang na “band-aid solution,” ang ganito dahil hindi nito tinutugunan ang mas malalaking problema sa kita, trabaho at public transport system.

Pero hindi ibig sabihin nito na walang dahilan ang fare adjustment. Ang punto: hindi dapat dito nagtatapos ang solusyon.

Kung gusto talagang protektahan ng gobyerno­ ang mga commuter at driver, kailangan ng mas pang­­matagalang paraan upang mabawasan ang epekto ng pabagu-bagong presyo ng langis at operating costs.

Dahil sa huli, hindi driver at pasahero ang magkalaban. Pareho silang nagbabayad sa problema ng isang sistemang paulit-ulit na umaasa sa dagdag-pasahe bilang sagot.

FARE HIKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with