Imago (95)
PUMASOK si Maya at ang kanyang kakambal na si Mara sa isang madilim at malamig na server room upang magtago. Ang huni nang malalaking computer tower at ang kumikislap na mga asul na LED lights lamang ang nagbibigay ng liwanag sa paligid.
Ipinatong ni Maya si Mara sa tabi ng isang bakal na rack. Dahan-dahang luminaw ang paningin nito habang bumabalik ang lakas nito mula sa epekto ng kemikal.
“Maya...” bulong ni Mara habang nakatitig sa umiilaw na terminal sa kanilang harap. “Hindi lang ito... hindi lang Drydock 4 ang may ganitong pasilidad.”
Iwinagayway ni Mara ang nanghihinang kamay patungo sa screen. Mabilis na nagbukas ang isang digital na mapa ng Pilipinas. Sa ibabaw ng mapa, pumatak ang sampung pulang marka, mga kaparehong off-grid na pasilidad na nakatago sa mga malalayong baybayin mula Luzon hanggang Mindanao.
Nanlamig ang pakiramdam ni Maya sa nakita.
“Ang Director... isa lamang siyang administrator para sa rehiyon na ito,” patuloy ni Mara na hinahabol ang hininga. “Ang DNA extraction na ginagawa sa akin... ipinadadala ang data diretso sa main hub nila sa Manila. Nagtatayo sila ng isang buong network.”
Humigpit ang hawak ni Maya sa kanyang baril. Ang inakala niyang isang simpleng rescue mission upang iligtas ang kapatid na si Mara mula sa isang pasilidad ay mas malalim at mas delikado pa pala sa kanyang inisip.
Sa labas ng server room, narinig nila ang muling pagtunog ng panibagong set ng mga alarm. Hindi lamang sila tumatakas mula sa Drydock 4, binabangga na nila ang isang dambuhalang sindikato na nakatago sa buong kapuluan. (Itutuloy)
- Latest




















