^

Punto Mo

EDITORYAL — Ready na ba sa baha?

Pang-masa

NAKIKITA na ang mga palatandaan na malapit na ang tag-ulan. Tuwing hapon at gabi, bumu­buhos na ang ulan. Kahapon, umulan sa ilang bahagi ng Metro Manila. Noong Lunes, tumagal ng ilang oras ang ulan at nagdulot iyon ng pagbaha. Bumaha sa bahagi ng South Luzon Expressway at sa Las Piñas City.

Ang kinatatakutan ngayon ay kapag opisyal nang inihayag ng PAGASA ang pagsisimula ng tag-ulan. At kapag nagtuluy-tuloy na ito, ang kasunod ay ang baha. Hindi lamang basta karaniwang baha ang nana­nalasa kundi mapaminsala. Mas matindi ang baha na dulot ng bagyo sapagkat inaabot pati ang second floor ng mga bahay lalo ang malapit sa creek o ilog.

Nang manalasa ang Bagyong Ondoy noong Set. 24, 2009, lumubog ang Metro Manila at karatig probinsiya. Ang mga lugar na hindi binabaha ay sinalanta. Maraming residente ang nagsiakyatan sa bubong ng kanilang bahay para maiwasan ang rumaragasang baha. Nang humupa ang baha, natambad ang maraming basura na karamihan ay plastic. Ang walang disiplinang pagtatapon ng basura ang tinuturong dahilan ng baha. Nakabara sa mga imburnal ang mga plastic na basura.

Isa ring dahilan nang pagbaha ay ang kawalan ng kakayahan ng mga pumping stations na higupin ang baha at iluwa sa Manila Bay. Laging nasisira ang pumping stations kaya matagal bago humupa ang baha. Malaki ang pondo para sa flood control project subalit patuloy pa ring nagiging problema ang baha.

Maraming sakit na lumalaganap sa panahon ng tag-ulan. Isa sa labis na kinatatakutan ang dengue na hatid ng mga lamok. Kadalasang nasa mga kanal o estero na hindi umaagos ang mga lamok. Dapat linisin ang mga kanal at estero na may tambak ng basura. Naninirahan din ang mga lamok sa mga basyong bote, lata, gulong, mga damit na nakasampay at mga malalagong halaman.

Isa pang sakit sa panahon ng tagbaha ang leptos­pirosis na nakukuha sa ihi ng daga. Kontaminado ng ihi ng daga at iba pang hayop ang tubig baha. Kapag ang isang tao na lumusong sa baha ay may sugat sa binti at hita, dito magdaraan ang virus na tinatawag na leptospira. Sintomas ng leptospirosis ang lagnat, panginginig ng katawan, pananakit ng binti, kalamnan, at kasu-kasuan, pamumula ng mga mata, paninilaw ng balat at pananakit ng ulo.

Malapit na ang tag-ulan at baha. Handa na ba ang pamahalaan para masolusyunan ito? Linisin ang waterways sa nakatambak na basura. Ipatupad ang kampanya na huwag magtapon ng basura sa kung saan-saan. Pagmultahin ang mga magtatapon upang magsilbing aral sa iba. Ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ang dapat manguna sa kampanya na huwag magtapon ng basura sa mga daluyan ng tubig.

FLOOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with