^

Punto Mo

‘Buwis mo, pila mo’

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

HABANG gapang na sa mahal ng bilihin ang ordinaryong? Pilipino, may mga ulat namang parang ginagawang obstacle course pa umano ang pagkuha ng ayuda ng gobyerno.

Ito ngayon ang gustong imbestigahan ni Loren Legarda matapos niyang ihain ang Senate Resolution No. 381 kaugnay sa umano’y magulo, mabagal, at hindi patas na distribusyon ng cash aid at subsidy programs sa ilang lugar sa Batangas.

Ayon sa mga reklamo, may mga tao raw na madaling-araw pa lang nakapila na, bilad sa init, siksikan, gutom, pagod ? pero pagdating sa releasing, sasabihing “wala sa listahan” o “ubos na.” Yung iba naman, ilang linggo nang naghihintay pero hanggang ngayon, nganga pa rin sa subsidy.

Masakit daw lalo para sa mga tsuper na araw-araw bumabiyahe para lang may maiuwi sa pamilya, pero yung fuel subsidy na ipinangako, parang pagong kung umusad.

Kaya hindi maiwasang magtanong ng mga tao:

Bakit kapag eleksyon, ang bilis maghanap ng botante? Pero kapag ayuda, parang hirap na hirap hanapin ang mahihirap?

Nauna nang nanawagan ng kaparehong imbestigasyon ang anak ng senadora na si Leandro Leviste.

Sa kanto-kanto ngayon, iisa ang bulong ng tao:

Sana yung ayuda, hindi napupunta sa “malalakas ang kapit” habang yung totoong nanganga?langan, pinapila lang hanggang maubos ang pasensya.

DISCLAIMER. Ang artikulong ito ay nakabatay sa mga pampublikong ulat, opisyal na pahayag, at inihaing resolusyon ng mga opisyal ng gobyerno. Ang mga nabanggit na reklamo at alegasyon ay hindi pa napatutunayan sa anumang hukuman o pormal na imbestigasyon. Layunin ng akda na magbigay ng komentaryo at impormasyon ukol sa usaping pampubliko, at hindi upang manira, manlibak, o magbigay ng direktang akusasyon laban sa sinumang tao o institusyon.

SENATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with