^

Punto Mo

Psychology facts

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Kapag nangangaliwa ang babae, ganito ang kanilang ginagawa:

1. Laging nagpapaganda.

2. Laging hawak ang phone 24/7.

3. Biglang naging mapaghinala na hindi naman niya inuugali noon. Laging pinagbibintangan ang asawa/boyfriend na ­nangangaliwa. Naghahanap siya ng dahilan para kayo mag-away at magkaroon siya ng dahilan para makipaghiwalay.

• Kapag nakatadhana ang dalawang tao sa isa’t isa, sila pa rin ang magkakatagpo sa bandang huli gaano man katagal silang nagkahiwalay.

• Ang pagiging makakalimutin kahit bata ka pa ay palatandaan ng katalinuhan.

• Nagiging honest ang isang tao kapag sila ay pagod.

• Ang panganay na babae ang madalas na female version ng kanyang ama.

• Dapat na tapusin nang isang lalaki ang pakikipagtalo sa kanyang asawa/girlfriend kapag ang isinasagot na ng babae  ay may kasamang phrase na “Oh talaga?” o “Wow!”  O kaya ay gumagaralgal na ang boses niya dahil pinipigil ang pag-iyak. Senyales iyon na tumataas na ang blood pressure niya dahil sobra na siyang nasasaktan sa pagtatalo n’yo.

• Ang pakikipagtalik sa tamang tao na tunay mong minamahal ay nakakaadik.

• Palatandaan ng toxic relationship:

1. Bumababa ang iyong self-steem.

2. Nagkakaroon ka na ng alta-presyon simula nang maging magkarelasyon.

3. Nagbabago na “negatively” ang iyong sleeping at eating pattern.

4. Inuuna mo lagi ang feelings niya kaysa iyong nararamdaman.

5. Ang relasyon ninyo ay kulang sa pagtitiwala pero umaapaw ang selosan.

6. Nadadama mo na lagi kang gina-gaslight at minamanipula ng karelasyon.

7. Sa halip na “bring out the best qualities in one another”, ito ay nagiging “bring out the bad qualities in one another” dahil sa paulit-ulit na sumbatan.

PSYCHOLOGY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->