7 bagay na nagpapaikli ng buhay

AYON sa researchers, narito ang mga bagay na nagko-contribute upang umikli ang buhay ng tao:

1. Mga batang ipinapasok nang sobrang bata pa sa school. May ginawang isang extensive 90-year study sa United States tungkol sa kung ano ang magiging epekto kung ang mga bata ay ipapasok sa school nang sobrang bata pa. Sa pamamagitan ng pag-aanalisa ng buhay ng mga ginamit na “subjects”, napatunayan ng pag-aaral na mas bata siyang ipasok sa school, mas maaga siyang nae-expose sa stress at emotional problems na nagdudulot sa kanila ng unhealthy behavior na nag-aakay sa kanila tungo sa maagang kamatayan. Kaya ang Australia, Norway at United Kingdom ay nagiging maingat at may mandatory starting age sila para ienrol ang bata sa school.

2. Namamatay ng mas maaga ang mga panganay. Kadalasan ay sila ang nagkakasakit sa puso. Ayon sa researchers, kadalasan ay perfectionist at agresibo ang mga panganay kaya mas malapit sa stress. Idagdag pa rito na laging sila ang nagdadala ng responsibilidad kapag nawalan ng magulang. Isa pang natuklasan ay mas mataas ang tsansang magkaroon ng testicular cancer ang lalaking panganay. Ito ay nakabase sa pag-aaral na ginawa sa Denmark kung saan majority ng mga may cancer sa testicles na nakalista sa Danish ­Cancer Registry ay mga panganay. Ang panganay daw ang nakakakuha ng “pristine uterus” at sila ang sobrang nabababad sa estrogen habang nasa sinapupunan ng ina. Ang estrogen ay incompatible sa mga lalaki.

3. Mas maliit ang puwit/pigi mas maikli ang buhay. Kaya magsaya na ang may malalaking puwit dahil isa ito sa palatandaan na mahaba pa ang ilalagi ninyo sa mundong ito.Kasi raw, kapag malaki ang puwit, ito ay palatandaan na ang fats ay sa puwit dumidiretso at hindi sa tiyan. Delikado kung sa tiyan bumabagsak ang fats dahil didiretso ito sa puso at babara sa mga ugat. (Itutuloy)

Show comments