200 katao sa Poland, nagsanib-puwersa para sa ice swimming world record!

ISANG lungsod sa Poland, ang Mi?dzyzdroje, ang nag-anunsyo na sila ay maaaring nakapagtala ng bagong world record matapos ang matagumpay na ice swimming relay na sinalihan ng halos 200 katao mula sa iba’t ibang bahagi ng naturang bansa.

Ang record attempt ay naganap sa isang maliit na pool na puno ng tubig at yelo. Ang bawat kalahok ay kailangang lumublob sa nagyeyelong tubig sa loob ng ilang minuto bago isunod ang next na kalahok.

Ayon sa mga opisyal, bagama’t hindi pa tiyak ang eksaktong bilang ng mga participants, naniniwala silang sapat na ang halos 200 tao upang maangkin ang titulong “largest ice swimming relay” sa Guinness World Records.

Kasama sa mga nag-organisa ng kaganapan si Katarzyna Jakubowska, isang tanyag na record-holder para sa longest full-body ice contact record by a woman na may talang 3 hours, 6 minutes, and 45 seconds.

Nakiisa rin sa aktibidad si Micha? Jurkowski, isang atleta na naghahanda upang hamunin ang record para sa  longest full-body ice contact record by a man sa susunod na taon. Ang kanyang target na talunin ay 4 hours and 2 minutes.

 

Show comments