May mga tao na, dahil desperadong magkatrabaho, basta-basta na lang nila sinasagot ang mga natatanggap nilang job offer.
Dito nagsisimula ang panloloko. Tinatawag itong pig butchering. Unti-unti munang papatabain ng magsasaka ang isang baboy bago katayin at lutuin kapag talagang malaki na at malinamnam.
Kapag nakuha ng scammer ang tiwala ng biktima sa job offer na pinagmumukhang lehitimo, magkakabit na ang una ng sophisticated malware sa cell phone ng huli para makuha ang mga datos hinggil sa mga pananalapi nito.
At hindi lang basta sa cell phone lang umaatake ang mga scammer. Ginagawa rin nila ito sa social media tulad sa Facebook, LinkedIn, Tiktok, at Instagram.
Pinapasok ang lahat ng program o applications sa mga cell phone. Kaya rin ng AppLite na magkunwari bilang Chrome at Tiktok apps.
Mag-download lang ng apps mula sa mapagkakatiwalaang mga sources tulad ng Google play at official website.
Bago mag-install ng isang app, repasuhin muna ang mga reviews at rating para sa anumang senyales ng kahina-hinalang aktibidad. Gumamit ng trusted mobile antivirus para makatukoy at mag-block ng malware.
Laging i-update ang iyong smartphone at maging ang mga apps. Iwasang magklik ng mga ads, pop-ups o kahalintulad na mga elemento sa mga kahina-hinalang website.
Huwag buksan ang mga files o link sa mga kahina-hinalang email, text messages o messages na natatanggap sa social media.
• • • • • •
Email: rmb2012x@gmail.com