‘Kalapati’
(Last part)
NAAKSIDENTE si Kuya Bong at patay na. Ayon sa kasamahan sa trabaho, galing umano sa Batha si Kuya at patawid na sa kalsada nang masalpok ng isang pick-up na ang nagmamaneho ay isang kabataang Arabo. Dinala sa ospital si Kuya subalit dead on arrival. Nahuli ang nakasagasang tinedyer. Nangako ang mga magulang ng tinedyer na babayaran ang lahat ng gastos at pati na rin ang mga danyos sa pagkamatay ni Kuya.
Ayon sa kasamahan ni Kuya, inaayos na raw ng kompanya nila ang pagpapadala sa bangkay ni Kuya Bong. Pati raw ang separation pay ni Kuya ay inaayos na rin.
Habang hinihintay namin ang pagdating ng bangkay ni Kuya, nakapagtataka naman na hindi umaalis ang puting kalapati kasama ang iba pa.
Maski si Tomas ay nahihiwagaan.
“Palagay ko Ruel, si Kuya yan!”
“’Yan din ang nasasaisip ko Tomas!’’
Nang dumating ang bangkay ni Kuya ay diniretso ito sa funeral home. Apat na araw binurol at saka nilibing.
Isang araw makaraang ilibing, nagulat kami ni Tomas nang hindi na namin nakita ang puting kalapati. Nawala nang tuluyan.
Naniniwala kami ni Tomas na ang puting kalapati ay kaluluwa ni Kuya Bong.
- Latest