Mayor Teodoro, posibleng ma-disqualify sa May election!

MAY disgrasya ang kandidatura ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro sa pagka-Congressman ng District 1 ng siyudad sa darating na 2025 midterm election. Bakit? Kasi nga mga kosa, nag-file ang kalaban n’ya na si Senate Minority leader Sen. Koko Pimentel sa Commission on Elections nitong Miyerkules ng petition to deny due course the certificate of candidacy ni Teodoro dahil sa isang technicality. Araguyyyyy!

Iginiit ni Pimentel na bumalik lang sa District 1 si Teodoro nitong September at wala na siyang one-year residency pagdating ng May elections. Sinabi ng mga kosa ko na hindi kaagad masabi na may nilabag na batas itong si Teodoro dahil magkaiba ang ibig sabihin ng one-year residence at permanent home o domicile.

Kung sabagay, hintayin natin mga kosa ang desisyon ng Comelec sa masalimuot na kaso na nai-file ni Pimentel. Magkaka-hearing pa sa Comelec patungkol dito at baka bago mag Mayo ay ilalabas na ang desisyon. Mismooo! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Si Pimentel ay nagpaunlak ng interbyu sa sideline ng gift giving ng opisyales ng United Arab Emirates (UAE) sa aabot sa 1,000 senior citizens sa covered court ng Bgy. Malanday. Halos hindi mabuhat ang mga karton na ipinamahagi kaya’t marami ang pumuna na hindi ito dumaan sa repackaging area sa Pinas. Ano sa tingin mo DSWD Sec. Rex Gartchalian Sir?

Ang tulong ng UAE ay  tinarabaho ng asawa ni Pimentel na si Ma. Anna Kathryna “Kat” Yu Pimentel na kamakailan lang ay hinirang ni President Bongbong Marcos na special envoy to the United Arab Emirates for Trade and Investment. Wow! Masaya namang nasaksihan ng mga opisyales ng UAE ang gift-giving at tutulak sila pa-Bicol kung saan aabot sa 33,000 na kahon ang kanilang ipapamahagi sa mga Pinoy na sinalanta ng Bagyong Kristine. Mabuhay ang bansang UAE! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sina Pimentel ay nakipag-alyansa sa pamilya ni Teodoro kung saan napagkasunduan na si Kat ang tatakbo sa District 1, si Marcy sa District 2 at ang asawa ni Teodoro na si Maan ang tatakbong mayor kapalit ng 3rd termer mayor. Sabay-sabay silang nag-iikot sa siyudad. Kaya lang nitong nakaraang mga araw, biglang nagbago ang ihip ng hangin at si Marcy ay tatakbo na sa District 1 kahit nakarehistro na siya sa District 2 noon pang February 28, 2020.

Ang makakalaban sana ni Marcy sa District 2 ay si comebacking Rep. Miro Quimbo samantalang ang asawa naman ng huli na si Titser Stella ang makaharap ni Maan sa pagka-mayor. Mukhang sa tingin ni Marcy, tagilid ang laban n’ya kay Miro at maging si Maan kay Titser Stella, kahit inuulan pa ito ng bad publicity sa social media dahil sa role n’ya sa hearing sa Kongreso. Eh di wow! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

“Tapos napansin natin na parang umatras siya roon (District 2) lumipat sa District 1 kung saan siya galing. Pero ako abogado ako eh at kausap ko yung ibang election lawyers mukhang alanganin na kasi Sept 26, 2024 ng siya ay bumalik sa District 1, napakalanganin na ng mga panahon na iyon,” ayon kay Pimentel.

“Ganun ang argument natin na merong material na misrepresentation sa COC kasi yung residence niya at status as a voter ay hindi accurate at hindi tama,” ang giit pa ni Pimentel. T’yak may sagot si Mayor Teodoro dito, di ba Boss Lloyd? Abangan

Show comments