Saksi ni Digong nagbunyi sa senado
NAGMISTULANG pista ng isang santong patron ang pagsalubong na ginawa ng mga DDS kay dating Pres. Digong Duterte nang dumalo sa pagdinig ng senado kaugnay sa extra judicial killings ((EJKs) at reward systems sa kanyang termino.
Tahasang inamin ni Digong na may “death squad” sa Davao at nagbibigay siya ng pera sa PNP bilang reimbursement/allowances sa operational expenses ng mga ito. Tapos na!
Taliwas sa inaasahan ng marami na ikakaila ni Digong ang kinalaman nito sa mga patayang naganap sa Davao City sa pamumuno niya bilang meyor ay inamin nito lahat ng mga bintang at itinuro pa ang mga datihang Davao chief of police kabilang si Sen. Bato dela Rosa na members ng death squad. Lagooot!
Panay-panay na mura ang pinakawalan nito habang sumasagot sa tanong ni Sen. Risa Hontiveros. Mga senador na alagad ni Digong ang nakapaligid kay Risa, he-he!
Kamakailan, inihayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi interesado ang Pilipinas na maging miyembro muli ng International Criminal Court. Baka daw kaya nag-uudyukan na ang mga DDS? Aber hintayin nga natin!
- Latest