^

Punto Mo

Pinakamalaking cheesecake sa buong mundo, nakatanggap ng Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG dambuhalang cheesecake na ginawa sa Lowville, New York ang nakapagtala ng world record dahil sa sobrang laki nito!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na ang kompanyang Kraft-Heinz ang pinakabagong world record holder ng titulong “World’s Largest Cheescake” matapos silang makagawa ng 15,008 pounds na cheesecake.

Ang naturang cheesecake ay ginawa ng naturang kompanya para sa taunang Cream Cheese Festival. Hindi ito ang unang beses na na­kagawa sila ng record breaking cheesecake dahil noong 2013 ay natanggap na nila ang naturang Guinness title ngunit kinuha sa kanila ito ng isang team ng bakers mula sa Russia.

Pagkatapos kumpirmahin ng Guinness na nabawi na nila ang titulo, pinagsalu-saluhan ng mga dumalo ng festival ang cheesecake at ang natira ay ipinagkaloob sa mga local food banks.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with