^

Punto Mo

EDITORYAL - Pangangalagaan ang mga mamamahayag

Pang-masa
EDITORYAL - Pangangalagaan ang mga mamamahayag

PUPROTEKSIYUNAN ang mga mamamahayag. Ito ang sinabi ni President Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang talumpati sa ika-50 anibersaryo ng Publishers Association of the Philippines, Inc. noong Biyernes. Aniya, dodoblehin ng pamahalaan ang pag­­si­sikap para mapangalagaan ang mga Pilipinong ma­mamahayag. Sabi ni Marcos, binibigyang halaga ng pamahalaan ang papel ng organisasyon bilang bantay­ ng komunidad at tagapagtanggol ng kalayaan sa pama­mahayag. Binigyang pugay ni Marcos ang mga mama­mahayag na pinaslang sa panahon ng kanyang panunungkulan.

Noong nakaraang Mayo, sinabi ng media watchdog Reporters Without Borders na delikadong bansa ang Pilipinas para sa mga mamamahayag. Sa inilabas na press freedom index, nasa ika-134 ang Pilipinas sa mga mapanganib na bansa para sa mga mamamahayag. Layunin ng press freedom index na ikumpara ang level of freedom na natatamasa ng journalists at media workers sa 180 bansa sa mundo. 

Noong nakaraang taon, nasa ika-132 puwesto ang Pilipinas. Ginawa ang ranking sa pamamagitan ng mga indicator na kinabibilangan ng impluwensiya ng pulitika, ekonomiya, at seguridad para sa mga mamamahayag. Nakakuha ang Pilipinas ng 43.36 na global score sa nasabing index ngayong taon.

Sa administrasyong Marcos, apat na mamama­hayag na ang pinapatay at hindi pa nalulutas hanggang sa kasalukuyan. Unang pinatay ang radio broadcaster na si Rey Blanco ng Mabinay, Negros Oriental­ noong Set. 18, 2022. Pinagsasaksak si Blanco habang patungo­ sa radio station. Ang ikalawa ay ang veteran broadcaster­ na si Percy Lapid na binaril at napatay noong Okt. 3, 2022 sa Talon Dos, Las Piñas. Hindi pa nahu­huli ang “utak” na si dating BuCor director Gerald Bantag.

Ang ikatlo ay ang broadcaster/commentator na si Cresenciano Bunduquin ng Bgy. Sta. Isabel, Calapan­ City, Oriental Mindoro na pinagbabaril sa harap ng kanyang sari-sari store noong Mayo 31, 2023. Ikaapat si Juan Jumalon, isang broadcaster sa Calamba, Misamis Occidental na binaril noong Nob. 5, 2023.

Ang pangako ni Marcos na dodoblehin ang pa­nga­ngalaga sa mga mamamahayag ay magandang pakinggan. Marami ang matutuwa kung maisasa­katuparan, maraming naulila ang mga pinaslang na mamamahayag na umaasang makakamit ang katarungan.

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with