ISANG bagong panganak na endangered hippopotamus ang dinarayo ngayon ng “fans” sa Thailand!
Noong Hulyo 10, 2024, ipinanganak ang isang rare pigmy hippopotamus sa Khao Kheow Open Zoo sa Chonburi, Thailand. Dahil endangered na ang uri na ito ng mga hippopotamus, nag-viral sa Thai netizens ang kapanganakan nito at nagkaroon pa ng online voting kung ano ang magiging pangalan nito. Matapos ang botohan, napagpasyahan ng mga netizens na pangalanan itong “Moo Deng” na hango sa pangalan ng isang ulam sa Thailand na nangangahulugang ‘Bouncy Pork’.
Dahil sa kasikatan ni Moo Deng, ang tahimik na zoo kung saan ito matatagpuan ay dinarayo na ng mga turista. Ayon sa nagpapatakbo ng zoo, ang dating hundreds of visitors nila sa isang araw ay umabot na sa 7,000 to 10,000 visitors. Bukod sa pagiging “celebrity”, maituturing din na biyaya si Moo Deng, sa mga taga-Chonburi dahil pati ang mga kalapit na tourist attraction sa zoo kung saan ito nakatira ay nagkakaroon ng bisita.