Maid of Honor (251)

“KUMUSTA naman si Yana?” tanong ni Rocky kay Honor at Bianca. “Balita ko e pinag-aral n’yo siya at nakatapos na.’’

“Oo. Naka-graduate na siya. Napakabuti ni Yana—wala kaming masasabi sa kanya,’’ sabi ni Bianca.

“E paano ngayong tapos na siya ng pag-aaral, aalis na siya sa inyo?’’

“Ayaw niya. Kahit daw nakatapos siya ay sa amin pa rin maglilingkod.’’

“Talaga? Napakabuti talaga ni Yana.’’

“Napamahal na kasi sa kanya ang mga bata.’’

“Sabagay nga. Ang tagal na kasi niya sa inyo.’’

“Oo. Siya na ang namulatan ng dalawang anak namin.”

“Pero sabi ni Inah, boyfriend na ni Yana si Ram?’’

“Oo. At napakasuwerte ni Yana dahil superyaman ang mapapangasawa niya. Nag-iisang anak lang si Ram. Ang mommy niya ay napakayaman at tiyak kay Ram lahat ipapamana iyon.”

“Kapag nagpakasal sina Ram at Yana, awtomatic, aalis na si Yana di ba?’’

“Oo nga Rocky. Kaya nga nagbabalak kami ni Honor na dito na rin sa probinsiya tumira.’’

“Nagbibiro ka ba Mareng Bianca?’’

“Hindi. Gusto nga namin, bumili na rin ng property na gagawing resort. May alam ka ba Rocky?’’

“Marami.’’

“Sige ituro mo sa amin ha?’’

KINABUKASAN, sina Yana, Ram at Mommy Celia naman ang namasyal sa tabing dagat. Masayang-masaya sila.

“Ang sarap dito sa inyo, Yana.’’

“Dito ka na tumira Mommy, ha-ha-ha!” (Itutuloy)

Show comments