^

Punto Mo

Bote ng cognac na nagmula pa noong 1696, nakatanggap ng Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG bote ng alak na cognac ang nakapagtala ng world record dahil nagmula pa ito sa panahon nina King Louis XIV ng France and King William III ng England!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na ang bote ng 1696 Jules Robin Cognac ang pinakabagong may hawak ng titulong “World’s Oldest Cognac”. Ito ay dahil ginawa pa ito noong 1696 at may edad ito na 328 years old. Ang alak na ito ay pagmamay-ari ng kolektor na si Lars Janssen na taga-Netherlands.

Ang Cognac ay isang uri ng brandy na gawa sa ubas. Partikular itong nanggagaling sa rehiyon ng Cognac sa France, kaya ito tinawag na Cognac.

May mahigpit na mga regulasyon na sinusunod sa paggawa ng Cognac, kabilang ang paggamit ng partikular na uri ng ubas, ang distillation process na dapat gawin dalawang beses sa copper pot stills, at ang pagtanda nito sa oak barrels ng hindi bababa sa dalawang taon.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with