Sobrang stress: Kadalasan ay hindi makatulog ang taong nakakaranas ng stress. Kapag nangyari ito, ang utak natin ay hindi makapag-produce ng bagong cells kaya hindi na maalala ang impormasyong naipon sa isipan.
Sobrang kalungkutan: Kapag malungkot ang isang tao, naaapektuhan ang kanyang concentration at focus kaya nawawalan ng kakayahan ang kanyang isipan na makapag-store ng new memories.
Under medication ka: May gamot na nakakaapekto sa memory—pampababa ng cholesterol, sedatives, anxiety drugs, gamot sa incontinence (hindi mapigilang pag-ihi o pagdumi).
Buntis at nagme-menopause: Ang pagbabago sa estrogen level ng isang babae kung buntis at nagme-menopause ay may malaking epekto sa kanyang memory. Nagiging malilimutin sila sa second trimester ng pagbubuntis at isa hanggang 3 buwan matapos manganak. Ngunit hindi naman lahat ng nagbuntis at nanganak ay naranasan ito.
Pagiging lasenggo: Mas pineperwisyo ng alak ang utak (lumiliit) kaysa kidney at liver. Kasama rin sa dahilan ng memory loss ay Head injury at Normal aging.
Ang ilan sa mga pagkaing nagpapalakas ng iyong memorya at napapanatiling healthy ang utak:
1. Isda – mayaman sa omega 3 na kailangan upang maging aktibo ang brain at nerve cells.
2. Kape – ang caffeine ay nagpapasigla ng mood, nagiging alerto ang pag-isip at tumatalas ang concentration.
3. Turmeric – may nutrient na kung tawagin ay curcumin. Tinatanggal nito ang amyloid plagues na nagiging sanhi ng Alzheimer’s disease. Pinananatili nitong buhay ang brain cells.
4. Broccoli – mayaman sa Vitamin K na mainam sa memory at cognitive status.
5. Dark chocolate – may brain boosting compounds na nagpapaunlad ng memorya at nagpapalakas ng utak upang matalas pa rin sa pag-intindi ng mga kaalaman.