Lalaki sa Nigeria, mabilisang kumain sa 150 fast foods para sa Guinness World Record!

Isang food vlogger sa Nigeria ang nakapagtala ng bagong world record matapos nitong bisitahin at kainan ang 150 fast food restaurants sa loob lamang ng 24 hours!

Kinumpirma ng Guinness World Records na si Munachimso Brian Nwana ang pinakabagong world record holder ng titulong “Most Fastfood Restaurants Visited in 24 Hours” matapos nitong mabisita at makainan ang 150 fast food sa kanilang lugar sa Abuja, Nigeria.

Sa patakaran ng Guinness, sa bawat fast food na bibisitahin ay kailangan kumain ng at least isang food item mula sa menu nito. Bukod dito, public transport lamang ang maaaring sakyan at bawal gumamit ng private vehicle.

Sinimulan ni Nwana ang kanyang record breaking attempt ng 5:00 p.m. Dahil hindi madali ang public transportation sa Abuja, nilakad lang niya lahat ang mga fastfood na kanyang binisita. Sa panayam sa mga witness at nagdokumento ng world record attempt ni Nwana, umabot sa 25 kilometers ang nilakad nito.

Ayon kay Nwana, bilang isang food enthusiast at vlogger, ginawa niya ito upang i-promote ang Nigerian cuisine sa buong mundo.

Show comments