• Ang limang madalas dahilan ng pag-iyak ng mga tao ay: namatayan ng minamahal, kawalan ng pag-asa, pisikal na sakit, naaawa sa ibang tao at napaiyak sa sobrang kaligayahan.
• Walang pagkakaiba ang iyak ng mga sanggol, lalaki man siya o babae.
• Ngunit malaki ang pagkakaiba ng pag-iyak ng adult na lalaki at adult na babae. On average, 2 hanggang 5 beses per month umiiyak ang mga babae samantalang ang mga lalaki ay 0 hanggang 2 beses lang. Bihirang umiyak ang mga lalaki dahil noong bata pa sila ay madalas silang makarinig ng hindi dapat umiiyak ang mga lalaki dahil iyon ay tanda ng kahinaan na wala namang katotohanan.
• May koneksiyon ang pag-iyak sa ugali ng isang tao. Mas iyakin ang taong nakakadama ng malasakit sa kapwa iyon man ay negative or positive na dahilan. Nakikiiyak siya sa kaibigang maysakit pero nakikiiyak din siya sa tuwa kapag nagtagumpay ang kaibigan niya.
• Ang pag-iyak sa workplace ay nagkakaroon ng negative impression lalo na at candidate ka sa mas mataas na posisyon. Kaya importante rin ang “setting” sa paglalabas ng iyong emosyon. Hangga’t maaari ay magpakita ka ng katigasan kapag ikaw ay nasa workplace. Dapat ay itago mo ang iyong kahinaan. Magiging minus point mo ito kapag ipo-promote ka sa mas mataas na posisyon. Sa corporate world, ang taong iyakin ay tinitingnan nila bilang less emotionally stable.
• Sa psychotherapy, ang pag-iyak ng pasyente ay nagbabadya ng positive effect. Ang emotional expression ay importanteng hakbang para magtagumpay ang therapy.
(Itutuloy)