^

Punto Mo

Maid of Honor (190)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NIYAYA ni Inah si Rocky sa cottage na nasa di-kalayuan.

Pumuwesto sila sa may bintana kung saan naki­kita nila ang unti-unting paglubog ng araw.

“Natutuwa ako at asensado na ang buhay mo, Inah. Humahanga ako sa’yo,’’ sabi ni Rocky habang magkatabing nakaupo.

“Salamat Kuya Rocky. Teka paano mo nga pala nalaman itong resort?’’

“Sa FB. Nagre-research ako isang araw nang mapanood ang advertisement ng resort. Ang dami palang parukyano. Nagulat ako nang malaman na ikaw ang may-ari. Hindi ako makapaniwala na sa loob nang maikling panahon ay naka­pagpundar ka ng negosyo.’’

“Ginamit ko ang perang reward, Kuya at nabawi ko rin dahil sa dami ng mga nagtutungo rito. Baka hindi ka maniwala, fully booked na ang resort para sa susunod na summer.’’

“Congrats! Pinagpapala ka talaga!’’

“Salamat Kuya.”

“Kaya nang matiyak ko na ikaw ang may-ari ng INAH BEACH RESORT, dali-dali akong nagtungo rito para makumpirma na ikaw nga yun. At tama nga. Ilang araw na kitang sinusubaybayan.’’

“Kaya pala pakiramdam ko, laging may nakatingin sa akin—ikaw pala yun, Kuya.’’

“Nung isang araw ko pa sana ikaw lalapitan pero nahiya ako.’’

“Bakit ka nahiya?”

“Kasi mayaman ka na.’’

“Ay ganun?’’

“At saka isa pa, nahihiya ako sa mga nangyari sa akin.’’

“Ano ba ang nangyari sa iyo Kuya Rocky? Ikuwento mo nga sa akin ang lahat.’’

“Mahabang kuwento, Inah.’’

“Makikinig ako.’’

“Nawalan ako ng pag-asa sa buhay. Akala ko hindi na ako makababawi pa. Pero awa ng Diyos, nagliwanag din ang lahat sa akin…”

(Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with