^

Punto Mo

Maid of Honor (162)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PATULOY naman si Yana sa pag-aaral ng nursing aide at malapit na siyang matapos. Pawang matataas ang grades niya na labis na ikinatutuwa nina Honor at Bianca. Sa kabila na busy sa pag-aaral, hindi nalilimutan ni Yana ang responsibilidad bilang kasambahay. Areglado lahat bago siya pumasok sa school.

Tinitiyak niyang nagawa ang lahat sa bahay bago umalis. Ayaw niyang may masabi ang mag-asawa sa kanya kaya talagang ginagawa lahat ang mga tungkulin.

Isang araw ng Sabado na walang pasok sa school, niyaya siya ni Bianca na magtungo sa Quiapo para bumili ng paboritong gems at iba pa sa may Plaza Miranda.

Nakalabas na sila sa tindahan at magkasabay na ­naglalakad sa Palanca St. nang biglang hablutin ng riding-in-tandem ang bag ni Bianca.

Nagsisigaw si Bianca.

Bagama’t nagulat si Yana, buo ang loob niya na nahawakan ang strap ng bag na hawak na ng lalaking nakaangkas sa motorsiklo. Hindi niya binitiwan ang bag. Kahit nakaladkad siya ay hindi binitiwan ang bag ni Bianca.

Nagsisigaw si Bianca.

“Tulong! Inagaw ang bag ko!’’

Patuloy sa pagtakbo ang motorsiklo at nakaladkad si Yana na hindi binibitawan ang bag ni Bianca.

Kahit anong mangyari hindi niya bibitawan ang bag!

“Saksakin mo!’’ sabi ng nagmamaneho ng motor sa humablot ng bag.

(Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with