^

Punto Mo

EDITORYAL - Hindi sapat ang ­parusa sa mga ­berdugong pulis

Pang-masa
EDITORYAL - Hindi sapat ang ­parusa sa mga ­berdugong pulis

“DAPAT habambuhay ang hatol sa kanila,’’ ito ang nasambit ng biyuda ni Luis Bonifacio, isa sa mga pinatay ng apat na pulis noong Set. 15, 2016 sa madugong drug operation sa panahon ng Duterte administration. Bukod kay Luis pinatay din ng mga pulis ang anak nito na si Gabriel.

Ayon sa biyudang si Mary Ann, sinalakay ng mga pulis ang kanilang bahay kahit hindi sangkot sa droga ang kanyang asawa at anak. Pinababa umano sila ng mga sa bahay at naiwan sa loob sina Luis at Gabriel. Nagmakaawa si Mary Ann sa mga pulis subalit tinutukan siya ng baril sa ulo. Hanggang nakarinig sila ng mga putok ng baril mula sa loob ng bahay. Natagpuang patay si Luis na may tama ng mga bala sa katawan habang si Gabriel ay nag-aagaw-buhay. Isinugod ito sa ospital subalit dead on arrival. Sinampahan ni Mary Ann ng murder charges ang mga pulis noong Marso 2017.

Noong Martes, hinatulang guilty ng Caloocan City Regional Trial Court ang apat na pulis na nakilalang sina MSgt. Virgilio Cervantes, Cpl. Arnel De Guzman, Cpl. Johnston Alacre at Cpl. Artemio Saguros Jr. Subalit 10 taong pagkabilanggo lamang ang hatol sa mga ito at pinagbabayad din ng P400,000 bawat isa bilang danyos. Sabi ni Mary Ann, inaasahan niya na habambuhay na pagkabilanggo ang parusa sa mga pulis sapagkat murder ang isinampa niya. Naibaba sa homicide ang kaso ng mga pulis.

Maraming pulis ang naging “uhaw sa dugo” dahil sa pagpapatupad ng Oplan Tokhang ng Duterte administration. Binigyan ng lisensiya para pumatay. Sa war on drugs ng Duterte administration, tinatayang 6,252 ang namatay. Ang masaklap, ang mga napatay ay napatunayang inosente sa drug charges. Kabilang sa mga napatay ng pulis sa isinagawang drug operation ay mga inosenteng kabataan.

Kabilang sa mga napagkamalang kabataan sina Kian delos Santos, Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” de Guzman. Si Kian ay sapilitang inaresto ng mga pulis sa Caloocan City at saka walang awang binaril habang nakaluhod at nagmamakaawa. Si Arnaiz ay tinaniman ng droga saka pinatay. Si Kulot ay sinunog at natagpuan ang bangkay sa Nueva Ecija. Noong Nobyembre 2022, hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo si PO1 Jeffrey Perez dahil sa pag-torture at pagpatay kina Arnaiz at De Guzman.

Marami pang kaanak ng biktima ng extra-judicial killings ang naghihintay ng hustisya. Malaking hamon naman sa kasalukuyang PNP chief na ituwid ang mga pulis na naging sunud-sunuran sa war on drug. ­Naging berdugo sila makaraang itaas ang sahod. Hindi na dapat maulit ang kabuktutan ng mga pulis.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with