^

Punto Mo

Maid of Honor (156)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

SINABI ni Bianca kay Honor ang mga naisip niyang plano para kay Yana kapag nakatapos na ito ng pag-aaral.

“Hindi habampanahon ay maid natin si Yana, Honor. Mayroon din sariling buhay yan. Hindi magtatagal at magkakaroon din siya ng sariling pamilya. Kaya dapat paghandaan natin ang pagdating ng panahong yun.’’

“Naisip ko na rin yan, Bianca—hindi habampanahon, nasa atin si Yana. Kailangang ngayon pa lamang ay  mag-aral na tayo na wala si Yana. Hindi tayo dapat magdepende sa kanya. Kahit sinabi niya na hindi siya aalis dito, hindi natin nasisiguro ang bukas. Maraming pagbabago. Maraming nangyayari na hindi natin control.’’

“Kaya nga pinaalala ko sa’yo Honor. Para nakakapaghanda tayo. Palagay ko, mabilis makakahanap ng trabaho si Yana dahil matalino siya. Maraming ospital ang magha-hire sa kanya. Lalo pa ngayon na in-demand ang health workers. Sa malaon at madali, mahihiwalay sa atin si Yana.’’

“Palagay ko masakit kapag dumating ang araw na aalis sa atin si Yana. Itinuring ko na siyang kapamilya.’’

“Ako man Honor, baka umiyak ako kapag aalis siya.’’

“Kaya maghanda tayo, Bianca.

ISANG araw nasa school si Yana nang biglang tumawag si Inah.

“Busy ka Yana? May sasabihin lang ako.’”

“Nasa school ako Inah. Tatawagan kita mamaya.”

“Sige. Hintayin ko tawag mo.” (Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with