NAGISING ang lahi natin sa kultura ng pakikipaglaban para sa kasarinlan at kalayaan dahil sa walang puknat na pananakop ng mga dayuhan. Kabilang dito ang Spain noong 1565-1898, U.S. 1898-1941 at Japan 1942-1945.
Mistulang artipisyal na kalayaan lamang ang nakamit natin mula 1946 hanggang sa ngayon dahil sa impluwensiya ng pulitika at saligang batas na kinopya natin sa U.S.
Panahon ng administrasyon ni Ferdinand Marcos Sr. nang umusbong ang mga makabayang organisasyon na ang ideolohiya’y kinopya sa liderato nina Mao Tse Tung ng China, Karl Marx (Germany) at Vladimir Lenin (Russia) na pawang naging mahigpit na kalaban ng U.S.
Pinalambot ng Duterte administration ang lakas ng mga progresibo at makabayang organisasyon sa bansa ngunit napalitan ng agam-agam na isinusubo pala tayo sa China.
Hindi na tayo nakahulagpos sa kahirapan dahil lahat halos na naging Presidente mula 1965 hanggang ngayon ay naglangoy sa pangungutang sa ibang bansa na pinapasan ng bawat Pilipino.
Kailan tayo lalaya sa P13 trilyong utang?