Mga 70 percent ng mga tao ay nagugustuhan ang lumang awitin dahil sa alaalang nakapaloob doon.
• Kapag nalagutan ng hininga ang isang tao, 7 minuto pa rin gumagana ang kanyang utak kung saan bumabalik sa kanyang alaala ang nakaraan niyang buhay na parang isang dream sequence.
• Ang paglalaro ng video games ay nakakatulong upang madebelop ang pagiging malikhain ng isang tao.
• Kapag may gusto ang isang tao sa kanyang ka-text mate, bumibilis ang kamay niya sa pagta-type.
• Nagmumukha kang kaakit-akit ka sa mga kakuwentuhan mo kung napapatawa mo sila.
• Mas pinipili ng mga 80 percent ng mga babae na ilihim ang sakit ng kanyang damdamin. Matindi ang sakit na nadadama niya kung hindi niya kinikibo at kinakausap ang taong nagpasama ng kanyang loob.
• Ang taong may ugaling sarkastiko ay honest sa nagpapahayag ng totoong damdamin sa kanyang mga kaibigan.
• Ang mga babae ay ngumingiti ng average na 60 times per day samantalang ang mga lalaki ay ngumingiti lang ng 10 times per day.
• Mas natatandaan natin ang mga bagay kung iyon ay sinabi sa paraang nakakatawa o gumamit ng nakakatawang boses. Kaya ang cartoon characters at mga komedyante ay matagal na tumatatak sa ating isipan.
• Matagal bago makabuo ng desisyon ang mga babae ngunit kapag nag-final decision, hindi na iyon mababago ng kahit sino.