^

Punto Mo

106-anyos na skydiver, nakatanggap ng Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 106-anyos na lolo mula Texas, U.S.A. ang nakapagtala ng world record sa larangan ng skydiving!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Alfred “Al” Blaschke ang pinakabagong world record holder ng titulong “Oldest Person to Tandem Skydive”.

Hindi ito ang unang beses na ipinarangal kay Blaschke ang naturang world record title dahil noong 2020 ay napasakamay na niya ito noong siya ay nag-skydiving sa edad na 103. Ngunit noong 2022, nasungkit ni Rut Linnea Ingegard Larsson ang titulo nang mag-skydive ito sa Sweden sa edad na 103-anyos at 259 na araw.

Kaya noong Nob. 27, 2023, sinubukang mabawi muli ni Blaschke ang titulo sa edad niyang 106-anyos. Kasama ni Blaschke sa pag-skydive ang governor ng Texas na si Greg Abbott. Nang mag-landing, sinalubong si Blaschke ng kanyang mga anak, apo at apo sa tuhod para i-congratulate sa kanyang Guinness World Record.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with