^

Punto Mo

‘Wag palinlang sa taktika ng China

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

NAGBABALA ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pinoy na ‘wag magpapaniwala o ‘wag magpaloko sa banta na China na ilalabas ang recording sa pakikipag-usap sa Pinas patungkol sa ‘new model’ deal sa Ayungin Shoal.

Isa itong “unverifiable recordings” at hindi dapat na malinlang ang sinuman ng maling ‘narratives’.

Sinasabing base umano sa naitala o nairekord na bagong pag-uusap, ayon nga kay DFA spokesperson Ma. Teresita Daza napagkasunduan umano sa pagitan ng isang opisyal ng militar ng Pilipinas at isang diplomat ng China ang tungkol sa paggalaw sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Iisa ang nakikitang motibo sa sinasabing paglutang ng ‘recording’ ang magdulot ng kalituhan hindi lamang sa mga ahensiya ng pamahalaan kundi sa mga Pinoy na rin.

Isa itong taktika ng China, para lituhin ang ating mga kababayan na may nagaganap na pag-uusap o kasunduan dyan sa West Philippine Sea (WPS).

Ginawa ng DFA ang babala, makaraang nang magpadala ang mga Chinese diplomats sa mga piling media outlet ang umano’y transcript ng umano’y pag-uusap ng Armed Forces of the Philippines - ­Western Command (AFP WESCOM) chief at isang Chinese diplomat tungkol sa umano’y arrangement sa Ayungin Shoal.

Sa panig pa nga ng DFA wala umanong opisyal sa administrasyong Marcos ang nakipagkasundo sa China hinggil sa Ayungin Shoal dahil sa tanging ang Pangulo lamang ng bansa ang siyang maaaring mag-apruba o mag-awtorisa sa mga kasunduan na papasukin ng pamahalaan sa usapin na may kinalaman dito.

Kapwa din itinanggi ng Department of National Defense (DND) at ng National Security Council (NSC) ang pagkakaroon ng naturang kasunduan.

Kung wala kahit isa sa administrasyon ni PBBM ang pumasok sa ganitong kasunduan.

Hindi kaya naganap pa ito noong nakalipas na administrasyon?

Dapat din naman itong masilip!

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with