^

Punto Mo

Major reshuffle ni Marbil, hot topic sa PNP

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

EXCITED na inaabangan ng kapulisan sa Camp Crarme ang major reshuffle na isasalang ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil dahil papalapit na ang deadline na ibinigay niyang one-month moratorium sa galawan ng mga opisyal. Siyempre, marami sa mga opisyal ang nagdarasal na lumanding ang mga amo nila sa mga prestigious positions para man lang maambunan din sila ng grasya. Ano pa nga ba? Puro Marites kasi ang umiikot sa Camp Crame kaya’t minabuti ng karamihan sa mga kosa ko na hintaying ilabas ni Marbil ang order ng reshuffle para sigurado na ito.

Sana ang service records o accomplishments ang mamayani sa reshuffle at hindi ‘yaong bata-bata ng kung sinu-sinong pulitiko. Get’s n’yo mga kosa? At higit sa lahat, isantabi na sana ang kinamumuhiang “assignment for sale” na hindi magdudulot ng maganda sa imahe ng PNP. Mismooooo! Hehehe! Bistado na ang gimik na ito na dapat tuldukan na ni President Bongbong Marcos, di ba mga kosa? Mismooooo!

Ang suhestiyon ng mga kosa ko, idaan ni Marbil ang pagpili ng italagang qualified PNP officials­ sa sensitibong puwesto ng PNP sa Senior Officer’s Placement ang Promotions Board (SOPPB). Sana ibalik niya ang kinaugalian sa PNP na ang lahat ng promotions ay dumaan sa SOPPB, na naisantabi na ng mga nakaraang CPNP. “Para ke pa may mga regulasyon kung hindi naman susundin,” ang tanong ng mga kosa ko. Ayosssss ba kosang Dylan Carel?

Kapag kasi, “turo-turo” system ang paiiralin, natural lang na ang uupo sa mga sensitibong puwesto sa PNP ay ‘yung malapit kay Marbil, anila. May punto naman ang mga kosa ko ah. Mismooooo! Dahil maraming pagbabago na inilatag ni Marbil sa pag-upo niya sa trono ng PNP, malaki ang posibilidad na bibigyan n’ya ng papel ang SOPPB sa promotion system sa Camp Crame. Dipugaaaaa! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Nakatuon ang pansin ng mga kosa ko sa kung sino ang itatalaga ni Marbil na mamuno ng National Capital Region Police Office at sa Criminal Investigation and Detection Group. Puwede namang ma-retain sina NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez at CIDG director Maj. Gen. Romeo “Bong” Caramat kaya lang lumalakas ang ugong na papalitan sila. Ang balita sa Camp Crame, may “blessings” na ng Palasyo kung sino ang napipisil nila na maupo sa NCRPO at CIDG. Tsk tsk tsk! Ang NCRPO mga kosa ay may planong magiging 3-star rank na ang hepe kaya’t puwede nang pang-take off ito sa pagka-PNP chief. Mismooooo! Kaya’t pag-aagawan talaga ito, lalo na’t “manok” ng Palasyo ang uupo rito. Ang sakit sa bangs nito!

Kayo mga kosa, sino ang manok n’yo sa NCRPO at CIDG? Konting dasal pa at baka tumama kayo…sa lotto. Hehehe! Ano ba ‘yan? Ang Marites na umiikot sa Camp Crame, mapupuwesto ang lahat ng graduate ng Philippine Military Academy sa top echelon ng PNP. Kung sabagay, halos 18 na lang ng PMA graduates ang natitira sa PNP at malapit nang makaporma ang mga graduates naman ng PNPA.

Anim sa kanila, kasama si Marbil, ay miyembro ng PMA Class ’91 at ang natitirang 12 ay miyembro ng PMA Class ’92, ang pinakahuling klase ng PMA sa PNP. Pito sa kanila ay magreretiro na sa 2024, subalit kapag ipinatupad kaagad ang PNP reorganization law, maaring may mag-avail sa kanila ng “plus one” incentive ng bagong batas. Congrats na lang sa mapupusuan ni Marbil na tutulong sa kanya sa pagpatakbo ng PNP. Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with