Pinakamatandang Orangutan sa mundo, nagdiwang ng kanyang 63rd birthday!
NAGDIWANG ng kanyang 63rd birthday noong Linggo ang tinaguriang pinakamatandang orangutan sa buong mundo, si Bella!
Kinumpirma ng Guinness World Records na ang Sumatran orangutan na si Bella ang “Oldest Orangutan in Captivity” sa edad na 63.
Nahuli sa kagubatan si Bella noong 1964 at dinala ito sa Hagenbeck Zoo sa Hamburg, Germany. Simula noon, doon na ito nanirahan hanggang sa kasalukuyan. May estimate na ipinanganak si Bella noong 1961.
Para ipagdiwang ang kanyang kaarawan, pinaghanda si Bella ng birthday cake na gawa sa soft-boiled rice na may iba’t ibang prutas. Kinain niya ito kasama ang isa sa kanyang adopted children na si Berani.
Maraming humanga sa haba ng buhay ni Bella dahil ang typical lifespan ng isang orangutan ay 40-50 years lamang. Nakuha ni Bella ang kanyang Guinness World Record title noong 2021 nang pumanaw si Inji, isang female orangutan sa Oregon Zoo sa U.S.
Ayon sa mga tagapag-alaga ni Bella, mabait, matalino at kahit kailan ay hindi ito naging agresibo. Tinawag itong “supermom” sa Hegenbeck Zoo dahil bukod sa panganganak sa anim na anak, inalagaan nito ang apat na baby orangutan na pinabayaan ng kanilang mga ina.
Dahil may edad na si Bella at kaunti na lamang ang ngipin, lugaw na gawa sa semolina ang paborito nitong kainin.
- Latest