Funny quotes na may hugot
March 6, 2024 | 12:00am
NABASA ko lang sa social media ang mga sumusunod na sobrang nagpangiti sa akin, kasi may katotohanan:
- Hindi lahat ng masarap, mahal! Parang ikaw, masarap naman pero di minamahal.
- Siya pala ‘yung bago mo. Bakit ganun, mukhang luma.
- Ang pag-ibig, parang holdapan. Nasa iyo ang desisyon kung ipaglalaban mo nang patayan. O, bibitaw ka na lang, dahil takot kang masaktan.
- Sa panahon ngayon, itsura na lang ang habol ng iba. Kaya kapag walang humahabol sa iyo, alam mo na.
- T.A.N.G.A. T-otoo A-kong N-agmamahal sa iyo, G-aano man kasakit A-y titiisin ko.
- Hindi ako tamad, hinihintay ko lang na sipagin ako.
- Masasabi mo bang matakaw ako, kung pati ang pride ko ay nilunok ko para sa iyo?
- Matuto kang gumalang sa mas “nakakaganda” sa iyo!
- Stop editing your pictures. What if you go missing? Paano ka namin mahahanap kung kamukha mo si Beyonce sa Facebook, pero mukhang Chewbacca sa personal? *Chewbacca ay fictional character sa Star Wars na mukhang aso.
- Mag-reply nga, hindi niya magawa, magmahal pa kaya?
- Past tense: hindi nag-review. Present tense: hindi nagre-review. Future tense: mangongopya.
- Ang karma parang pelikula: kung hindi SHOWING, malamang COMING SOON.
- Balang araw ay maaalaala mo ako. At sa panahong iyon, nakalimutan na kita.
- Sa panahon ngayon, JOKE na lang ang totoo at ang PROMISE ay isang panloloko.
- Huwag mo ako ikukumpara sa EX mo. Kung totoong okey siya, e di sana kayo pa rin.
- Alam mo ba kung bakit nauuna ang letter A kaysa B? Kasi importante ang ATTITUDE kaysa BEAUTY.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
- Latest
Latest
Recommended