Kadalasan na ang nakikinabang sa gulo at alitan ay ang mga umaambag ng material weapons, pera at kaalaman.
Ang nangyayaring gulo sa pagitan ng Israel at Palestine ay ikinatutuwa ng mga bansang nagnenegosyo ng nuclear weapons, war planes at ammunitions. Maraming bansa ang naghahanda na rin sakaling madamay sila sa kaguluhan.
Pulitika ang pangunahing usapin ngayon sa U.S. kaya nag-uunahang magpabida ang kampo ng Democrat at Republican na nagpapataas naman ng depense stock market nila. Negosyong delubyo!
Ganito rin ang nangyayari sa usaping pampulitika sa bansa natin ngayon. Kinakarambola na ang approval ratings ni VP Sara gamit ang isyu ng confidential at intelligence funds na kinalkal at nagbunga ng pagbasura ng Kongreso sa nasabing mga budget ng OVP. Kinopya ang Binay destructions strategy.
Malaking bomba naman ang nakaabang kung matuluyang ma-acquit si dating senador Leila de Lima sa sunud-sunod na retractions ng mga witnesses na ginamit ng Duterte administration upang maipakulong ito noong February 24, 2017. Sagasa si Inday. Enjoy naman si Tambaloslos!
Kung ang giyera ay pinagkikitaan ng mga sulsolerong ahente ni kamatayan, sa Pilipinas naman ay nagpapahirap ang mga ambisyosong pulitiko na budol-pera lang naman ang inaabatan. Sulsol pa more!