^

Punto Mo

Lalaki, nabawasan ng 11 kilos ang timbang sa loob lamang ng mahigit dalawang oras!

KAGILA GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang 69-anyos na atleta sa Russia ang nakapagtala ng bagong record sa Russia Book of Records matapos siyang makapagbawas ng 11 kilos sa kanyang timbang makaraang tumakbo sa isang karera!

Taon 2019 nang unang mapasakamay ni Bahama Aigubov ang titulong “Fastest Weight Loss” sa Russia Book of Records nang makapagbawas siya ng 9.3 kilos sa isang five hour marathon.

Ngayong 2023, nahigitan niya ang sarili niyang record matapos mabawasan ng 11.1 kilos ang kanyang timbang sa loob ng mahigit dalawang oras sa isang 21 kilometer race sa Makhachkala.

Gusto mang makilala ni Aigubov ang kanyang achievement sa buong mundo, hindi niya ito magagawa dahil walang kategorya na “Fastest Weight Loss” sa Guinness World Records dahil sa ­tingin ng organisasyon, hindi maganda sa kalusugan ang rapid weight loss.

Nagbabala naman ang ilang eksperto sa Russia na hindi dapat tularan ang mabilis na pagbabawas ng timbang ni Aigubov.

RUSSIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with