84-anyos na lola, nag-skydiving sa ika-580 na pagkakataon!

ISANG lola sa Colorado, U.S.A. ang 580 beses ng nakakapag-skydiving at wala pa siyang balak itigil ang libangan niyang ito!

Nagsimula si Kim Knor na mag-skydiving sa edad na 20 noong 1959. Limang taong gulang pa lamang ay interesado na siya sa skydiving matapos iuwi ng kanyang tiyuhing sundalo ang isang military parachute noong World War II.

Noong 1962, naging bahagi siya ng unang batch ng U.S. Women’s Parachute Team. Isang skydiver din ang kanyang napangasawa na nakilala niya sa World Skydiving Championships.

Itinigil ni Kim ng 37 taon ang pag-skydive matapos maaksidente ang kanyang asawa dahil dito. Bumalik siya sa larangan na ito noong 2003 sa edad na 64.

Sa edad na 74, napabilang si Kim sa International Skydiving Museum and Hall of Fame.

Nitong nakaraang Agosto 20, nakapag-skydive na siya ng 580 beses kasama ang kanyang apo na si John Norsen na unang beses mag-skydiving.

Sa panayam kay Kim, wala siyang balak tumigil hangga’t hindi siya nakaaabot sa 1000. Umaasa siya na makukumpleto niya ang 1000th skydive sa 2026.

Show comments