MALAWAK ang sakop ng demokrasyang nakapaloob sa ating Saligang Batas na ang naging basehan ay ang pagmamalupit ng mga dayuhang sumakop sa atin. Kalayaan na nang makamit ay “kaletsehan” ang iginaganti natin.
Naging malaya tayo sa pananampalataya, pamamahayag at pagpili ng lider na mamumuno. Ginamit itong instrumento ng pambabalahura na naging pases sa pagpapayaman nang maraming kababayan. Malapit na ang paghuhukom.
Huwag kayong ganun!
Naging susi ang kalayaan sa pamamahayag na protektado ng Saligang Batas pero ginagamit na rin sa mahalay na pamamaraan nang maraming kababayan. Nakakahiya!
Tama ba Pura Luka Vega?
May immunity ang nakaupong Presidente, mga senador at congressmen sa anumang kaso at akusasyon na may kinalaman sa kanilang panunungkulan. Kaya pala walang puknat kung mangupit ng pondo mula sa pork barrel at intelligence funds.
Saraaap namannn!
Organisadong sindikato na rin ngayon ang kawan ng vloggers at social media trolls na ang karamihan ay suwelduhan ng mga pulitiko. Nambabalahura ng kalaban at naghuhugas dungis ng mga bosing nila.
Ayos ba Maharlika?
Please lang, Love the Philippines!