• Ilang araw bago pumanaw ang isang tao, ang katawan niya ay naglalabas ng liwanag. Hindi man ito visible sa human eye, nakikita ito ng mga ibon. Kaya kung may kakatok na ibon sa bintana ng isang silid-tulugan gamit ang kanilang tuka, ito ay pangitain na nalalapit na ang pagpanaw ng taong natutulog sa silid na iyon.
• Kung sa bahay inabot ng kamatayan ang isang tao, sunugin ang unan at bedsheet na kanyang kinamatayan. Ang taong namatay ay naglalabas ng itim na enerhiya na kumapit sa mga ginamit niyang beddings. Hindi dapat ito labhan at gamitin muli. Ang black energy ay nagdudulot ng sakit at kamatayan.
• May mga kulturang naniniwala na masamang sumipol sa loob ng bahay. Bukod sa magdudulot ito ng kagipitan sa pera, nang-aakit ito ng black energy. Ang evil spirits ay nagtatawagan sa pamamagitang ng pagsipol.
• Kung ang ginamit na kabaong ay malaki sa size ng patay, expect a second death. Kaya mag-ingat, siguraduhin na tama ang size nito sa sukat ng katawan ng patay.
• Sa mga bansang matatagpuan sa Southeast Asia, isinasara kaagad nila ang matang nakamulat o bibig na nakanganga ng isang kamamatay pa lamang upang maiwasan ang sunud-sunod na kamatayan. Sa Thailand, ang matang nakamulat ay isinasara ng kamay at pinapatungan ng coins.
• Kapag may kapamilyang umalis, halimbawa, nag-abroad, huwag maglilinis ng sahig sa buong araw ng kanyang pag-alis. Kung lilinisin mo ang sahig pagkaalis niya, may tsansang hindi na siya uuwi pabalik sa inyong tahanan dahil namatay, sadyang kinalimutan kayo o may ibang tahanang inuwian.
• Magandang pangitain kung biglang umulan habang naglilibing. Pati ang kalikasan ay lumuluha at nagluluksa para sa taong pumanaw. Malaki ang pag-asang magiging maligaya ang kaluluwa nito sa kabilang buhay.