^

Punto Mo

Scientist, inoperahan ang sariling utak!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG kontrobersiyal na scientist ang diumano’y inoperahan ang sariling utak habang nasa kanyang sari­ling tahanan sa Kazakhstan!

Ayon sa report, naubusan ng mahigit isang litrong dugo ang Russian scientist na si Michael Raduga matapos niyang isailalim ang sarili sa brain surgery. Ito ay para mag-implant ng electrode sa kanyang utak na sa tingin niya ay posibleng makapagkontrol ng kanyang panaginip.

Si Raduga ay hindi neurosurgeon o doktor. Siya ay isang scientist at founder ng Phase Research Center, isang organisasyon na nag-aaral at nagsasaliksik tungkol sa panaginip, sleep paralysis at astral projection.

Sa panayam ng isang local news outlet sa Kazakhstan kay Raduga, ikinuwento nito na tumagal ng 30 minuto ang brain surgery. Muntik na niya itong itigil nang mawalan siya nang maraming dugo pero pinilit niya itong tapusin para mailagay niya ang electrode sa kanyang utak.

Natutuhan niya ang pag-oopera sa utak sa pamamagitan ng panonood ng mga brain surgery footage sa YouTube. Bukod dito, pinag-eksperimentuhan din niya ang utak ng tupa. Ayon kay Raduga, ang pag-implant ng platinum and silicon electrode sa utak ay posibleng magbigay kakayahan na kontrolin ng isang tao ang mga nangyayari sa kanyang panaginip. Matapos ang limang linggo ng operasyon, ipinatanggal ni Raduga ang implant sa isang ospital.

Habang wala pang nakikitang masamang side effects kay Raduga sa ginawa niyang operasyon sa sarili, nagbabala ang mga neurosurgeon at doktor na huwag itong tularan dahil maaaring maging epileptic at atakehin ng stroke ang maging ­epekto nito sa katawan.

UTAK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with